CHINESE HULI DAHIL SA PEKENG EXIT CLEARANCE SA NAIA
- Published on August 19, 2025
- by @peoplesbalita
NAARESTO ang dalawang Chinese national dahil sa paggamit ng pekeng exit clearance sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 para makalabas ng bansa at pupunta sa Singapore , ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Nabisto ang mga dayuhan na sina Li Jiangcheng, 29 and Liao Weibin, 39,
dahil sa paulit ulit na record ng verification of departing passengers.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado electronic na ang sistema ngayon at ang paggamit ng mga pekeng dokumento ay isang malaking pagkakamali.
Sa rekord, natuklasan na overstaying na si Li sa Pilipinas mula pa noong taong 2022 na nagtrabaho sa isang tech company habang si Liao ay nagtrabaho sa trading corporation, pero bigong ma-update ng VISA simula noong 2023
Iniimbestigahan na ng BI kung sino ang tumutulong sa mga dayuhan sa pag- kakaroon ng mga pekeng dokumento.(Gene Adsuara)