• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-celebrate ang Swifties sa ilalabas na 12th studio album: TAYLOR SWIFT, ipinasilip na ang cover ng ‘The Life of a Showgirl’

NAGBABALIK si Kris Bernal bilang Sparkle artist dahil pumirma siya ng kontrata last August 12.

Huling teleserye niya ay ang Artikulo 247 noong 2022. Ngayon ay papasok siya bilang guest sa Sanggang-Dikit FR.

“Thank you for having me again. GMA has always been my first family since I joined StarStruck way back in 2007. Nagsunod-sunod na ‘yung shows ko. Ang dami kong nagawang serye sa GMA, actually, hindi ko na mabilang. Every year may ginagawa akong soap at I am very thankful na doon ako nagkaroon ng pangalan. Doon ako nakilala as Kris Bernal.”

In fairness kay Kris, top-rater ang mga pinagbidahan niyang teleserye tulad ng Dapat Ka Bang Dahilan?, All My Life, The Last Prince, Koreana, Time of My Life, Hiram na Puso, Coffee Prince, Prinsesa Ng Buhay Ko, Little Nanay, Impostora, Asawa Ko… Karibal Ko at Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

Nanay na rin Kris at 2 years old na ang daughter niyang si Hailee Luca. Puwede na raw niya ito ipagkatiwala sa yaya dahil ready na siyang mag-taping ulit.

“Kahit mommy na ako pwede pa pala ako maging artista. Pwede ko pa rin ituloy yung craft ko, ‘yung love ko for acting.”

***

BAGONG tagumpay ang muling natamasa ng GMA Pictures-produced films na Green Bones, Balota, at Hello, Love, Again dahil sa mga nominasyong natanggap nito sa 73rd FAMAS Awards 2025.

Nakuha ng award-winning film na Green Bones ang mga nominasyong Best Picture, Best Screenplay, Best Sounds, Best Visual Effects, Best Musical Score, Best Sound, at Best Editing. Nominado rin si Dennis Trillo bilang Best Actor, Ruru Madrid bilang Best Supporting Actor, Alessandra de Rossi bilang Best Supporting Actress, at Zig Dulay bilang Best Director.

Nasungkit din ng top-grosser film na Balota ang nominasyong Best Picture at Best Screenplay, habang nominado naman si Marian Rivera para sa Best Actress at Will Ashley para sa Best Supporting Actor.

Hindi rin s’yempre pahuhuli ang Hello, Love, Again na nominado sa kategoryang Best Production Design, Best Musical Score, at Best Editing. Nakuha naman ni Alden Richards ang nominasyon para sa Best Actor at si Kathryn Bernardo para sa Best Actress.

***

HINDI magpigilan ang pag-celebrate ng mga Swifties dahil sa bagong lalabas na album ni Taylor Swift!

In-announce ni Taylor sa podcast ng kanyang boyfriend na si Travis Kelce ang 12th studio album niya titled ‘The Life of a Showgirl.’

Naka-blur muna ang album cover, pero open na sa kanyang website ang advance order for vinyls, CDs and cassettes.

Kaya pala ilan sa suot niyang outfits sa The Eras Tour ay kulay orange dahil iyon ang color theme ng kanyang new album na may 12 tracks.

Last Wednesday, August 12 (American time), ipinasilip na ni Taylor ang front and back cover ng much awaited album sa naturang podcast.

At ang exact date ng official release nito ay sa October 3 na.

(RUEL J. MENDOZA)