Pilot rollout ng gobyerno sa unified identification system para sa mga PWDs, ikinatuwa ni Speaker Romualdez
- Published on August 16, 2025
- by @peoplesbalita
IKINATUWA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ipinatupad na pilot rollout ng gobyerno sa unified identification system para sa mga persons with disabilities (PWDs).Una nang inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsimula na ang pilot implementation ng programa sa 35 lugar sa buong bansa, simula sa San Miguel, Bulacan.
Sinabi ni Romualdez, principal author ng House Bill No. 16, na naglalayong mapalawak ang diskuwento sa mga senior citizens at PWDs, na ang hakbang ay isang patunay sa sinserong commitment ni Pangulong Marcos na maprotektahan at maiangat ang mga nangangailangan.
Umaasa ito na makakatulong ang unified ID na mapagaan at mapabuti ang mga PWDs sa pamamagitanng pagbibigay serbisyo at benepisyo na makakarating sa kanila.
“Sa inisyatibong ito ng DSWD at ng National Council on Disability Affairs, matitigil na ang pagnanakaw at pagsasamantala ng ilan sa mga karapatan at benepisyo na nakalaan para sa ating mga kababayang may kapansanan,” Speaker. (Vina de Guzman)