• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dapat nang paghandaan ang buhay ng may asawa: BEA, mukhang malapit-lapit nang maging Mrs. VINCENT CO

MAY nakarinig raw kay Bea Alonzo nang sinabi nito na malapit na siyang maging Chinese dahil sa boyfriend si Vincent Co na presidente ng Puregold.
Meaning, nakahanda na si Bea sa new chapter ng buhay niya, ang pag-aasawa.
Saka sa edad ni Bea, ay dapat lang naman siguro na lumagay na siya sa tahimik para magka-baby pa sila ni Vincent na kung hindi kami nagkakamali ay nasa late 30’s na.
From a source, maliban sa madalas magkasama sa abroad for vacation o business trip, nakarating na rin daw si Vincent sa sosyalin at yayamaning farm ni Bea sa Zambales.
Maging si Bea ay naipakilala na rin daw ni Vincent sa kanyang parents na sina Susan at Lucio Co. At marami ang humahanga rito kay Vincent, at napaka very supportive nito sa career ni Bea sa showbiz.
Na tuwing may nagpa-picture na fan sa girlfriend ay tumatabi siya at ‘di umeeksena.
Sa ngayon busy sa rin sa kanyang online business si Bea at wala pang balita kung may new project siya.
Huling napanood ang actress sa teleserye nila ni Carla Abellana at Benjamin Alves na ‘Widow’s War’ sa GMA.
***
Gonzaga family, patok na patok sa vlog at Tiktok
PAREHONG matataas ang views ng Gonzaga sisters kapag magkasama silang nagsa-sayaw sa Tiktok.
Naku, lalo pang nagiging riot kapag ka-join nina Toni and Alex ang kanilang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na malaki rin ang following sa social media.
Yes, humamig lang naman ng from 5 million to 20 million views ang Gonzaga family sa Tiktok at vlog ni Alex.
Yung latest dance video nga ng mga ito na kasama ang hubbby ni Toni na si Direk Paul Soriano at mister ni Alex na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada ay umabot na sa 21.8M views in just 5 days.
Tapos yung lambingan at biruan naman video naman ni Alex at Mommy Pinty na naka-upload sa official Facebook Page ni Alex ay as of August 9 ay meron ng 9.7 million views.
Well, always good vibes naman kasi ang hatid ng Gonzaga family sa viewers kaya’t marami talaga ang mga sumusubaybay sa kanila sa buong mundo.
Hindi rin nagtatagumpay ang mga paninira sa Gonzaga sisters. Wala naman kasing naniniwala sa mga fake news kina Toni at Alex.
(PETER LEDESMA)