• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May dalawang nominasyon sa ‘Star Awards for TV’: GLADYS, katuwang sa pagma-manage ng showbiz career ni CHRISTOF

MAY mga nagprisinta pero si Gladys Reyes na mismo ang namamahala o manager ng anak na si Christophe Sommeruex.
Common knowledge na anim na taon pa lang ay nasa showbis na si Gladys, kaya alam na ng aktres ang pasikot-sikot.
At ngayon ngang pinasok na rin ito ng panganay na lalaki bilang isang singer at songwriter sa Star Music, katuwang ni Gladys ang Star Magic para sa showbiz career ng pa­nganay nilang anak ni Christopher Roxas.
“Siguro kung merong medyo nakakaalam sa pasikut-sikot dito isa na ako do’n dahil six years old ako when I started. ‘Yung sa akin is ‘yung gui­dance lang, ‘yung gabay of course with (Star Magic), panatag ako eh.
“Alam ko naman na hindi nila pababayaan si Christof. ‘Yung sa akin is bilang magulang lang din and at the same time na bilang nasa industry ako ‘di ba nando’n ako kung maaa­ring hindi na niya pagdaanan ‘yung mapapahamak pa siya, magkakamali siya, bakit hindi pa natin i-guide. Kumbaga bigyan natin ng short cut kaysa long cut. “Makakasalamuha ka pa ng mga taong mapagsamantala, ‘di ba? Kaya importante talaga na ‘yung concern mo hindi lang bilang magulang and at the same time concern ka do’n sa karera niya,” mahabang salaysay at paliwanag pa ni Gladys.
Sa mga anak ni Gladys at Christopher ay parehong nakitaan niya na mahilig sa showbis ang tatlong lalaki at isang babae ang na mga anak niya pero mas desidido raw ang panganay na lalaki at bunso.
Samantala, nominado si Gladys bilang Best Supporting Actress dahil sa role niya sa “Black Rider” at Best Comedy Actress sa “One for All, All for One” sa 37th Star Awards for TV.
Nakatanggap din ng nominasyon ang bunsong anak na si Grant Summereux bilang “Best Child perfomer” at si Christophe Sommeruex naman ay “Best New Male TV Personality” para pa rin sa “One for All, All for One”.
Gaganapin ang awards night sa Aug. 24, 2025 sa prestiyoso at bongacious sa 10th Floor Ballroom ng VS Hotel Convention Center, na matatagpuan sa 799 EDSA Southbound, South Triangle, Quezon City.
(JIMI ESCALA)