• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pareho silang freshman students: SOFIA, back-to-school na at magkaklase sila ni ALLEN

BACK-to-school na ang Sparkle loveteam nila Sofia Pablo at Allen Ansay.

At sa pagkakataong ito ay pareho silang freshman students sa UST Angelicum College in Quezon City.
Ikinatuwa pa ni Next Gen Leading Lady ay college classmates sila ni Allen.
“From SHS to college… but this time, with him,” caption ni Sofia sa pinost na reel sa Instagram kunsaan nili-lip-synced nila ni Allen ang song na “You Belong With Me” ni Taylor Swift.
Sa IG account naman ni Allen, pinost nito ay “your college freshman.
Naikuwento noon ni Allen na tumigil muna siya pansamantala sa kanyang pag-aral sa kolehiyo para pasukin ang showbiz sa pamamagitan ng reality artista-search ng GMA-7 na StarStruck season 7 in 2019 kunsaan naging First Prince (first runner-up) siya sa winner na si Kim de Leon.
Pangarap daw kasi noon ng Next Gen Leading Man na sundan ang yapak ng mga iniidolo niyang sina Dingdong Dantes at Alden Richards.
Dahil naging successful ang loveteam nila ni Sofia, mapa-TV at sa ilang product endorsements, panahon na raw na bumalik si Allen sa school dahil na-inspire siya sa sipag at tiyaga sa pag-aaral ng kanyang ka-loveteam.
Kaka-graduate lang ni Sofia from senior high school noong nakaraang June 2025.
“Last year, sabi ko parang gusto ko nang pumasok nang pag-aaral kasi nakikita ko siya (Sofia) napagsasabay niya naman and ngayon finally magkaklase na kaming dalawa,” sey ni Allen sa interview nito sa 24 Oras noong August 7.
Parehong Bachelor of Arts in Communication ang kinuhang kurso nila Allen and Sofia sa UST Angelicum College.
“Na-feel naming na mas ano sa career path namin and work namin ‘yung communication. At least mas mate-train din kami behind the camera,” sey ni Sofia.
Parehong good role models sa mga kabataan ngayon sina Sofia at Allen. Kahit na kumikita na sila sa showbiz, goal din nila ang tuparin ang pangako nila sa kanilang mga magulang na makakuha ng college diploma.
Huling napanood ang Team Jolly sa GMA Afternoon Prime series na ‘Prinsesa Ng City Jail’ na nagtapos noong June 21, 2025.
Sa magkakasunod na big events para sa 75th anniversary ng Kapuso Network aktibo ang Team Jolly tulad ng GMA Gala 2025 last August 2 at sa launch ng bagong station ID ng GMA-7 na Forever One With The Filipino noong August 5.
Noong August 7 naman ay dumalo rin sina Sofia at Allen sa premiere ng Ganito Tayo, Kapuso sa Power Plant Mall Cinema, Rockwell Drive.
***
EXCITED si Ruru Madrid para sa Sparkle World Tour ngayong Agosto.
Makakasama niya sina Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, Jessica Villarubin, Boobay, and Pepita Curtis para i-entertain ang global Pinoys sa Canada.
Ayon kay Ruru: “I’m just very grateful right now. It’s actually my third time para sa Sparkle World Tour. Noong una, we went to Canada, we went to Tokyo last year. This time, Canada ulit.
Gaganapin ang Sparkle World Tour ngayong August 16 and 17 sa Toronto, Canada, in partnership with Taste of Manila. Sa August 29 to September 1 naman gaganapin ang Sparkle World Tour sa Eau Claire Park, Calgary, in partnership with Fiesta Filipino. Samantala, ang GMA Pinoy TV na nagse-celebrate ng 20th anniversary ay ang proud media partner ngayong 2025 Sparkle World Tour.
Dagdag pa ni Ruru ay gusto niyang makilala at makapiling ang mga Pinoy na naninirahan sa Canada.
“Nakakatuwa kasi tayong mga Pilipino gusto nating makilala ‘yung mga Kapuso natin na nasa abroad. Alam po natin ang kanilang mga buhay doon. I’m very excited lalo pa ngayon na makakasama ko ngayon ang aking Mama Ai (Ai-Ai delas Alas).
***
PROUD Pinoy at heart ang Fil-Canadian na si Manny Jacinto dahil nakatrabaho niya ang malalaking Hollywood stars sa TV at pelikula.
Breakout role niya ay ang comedy series na ‘The Good Place’ kunsaan co-stars nita sina Kristen Bell at Ted Danson. Nasundan ito ng mga pelikulang ‘Bad Times at El Royale’, ‘Cora Bora’ at ‘Top Gun: Maverick’ with Tom Cruise.
Naka-love scene naman niya si Nicole Kidman sa Amazon Prime series na ‘Nine Perfect Strangers.
“Nicole is legend. Larger than life. But, you know, she’s so nice and generous and so talented. Like, you have to step up… Sobrang mabait,” sey niya.
Gumanap naman siyang fiancé ni Lindsay Lohan sa hit comedy film na ‘Freakier Friday.’ Mabait daw ito pati ang co-star nilang si Jamie Lee Curtis.
Hindi lang pala si Manny ang Pinoy actor sa naturang movie. Gumanap na mother niya ay Gigette Reyes. Lumabas ang aktres sa mga teleserye tulad ng ‘Tayong Dalawa’,  Lobo’, ‘Atlantika’, ‘Darna’, ‘Hiram’, ‘Bituin’ at ‘Pangako Sa ‘Yo.’ 
Na-introduce siya sa pelikulang ‘Bad Bananas Sa Puting Tabing’ kunsaan nanalo siya ng best supporting actress sa 1983 Metro Manila Film Festival.
 
 
(RUEL J. MENDOZA)