• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Coach Tim Cone, hindi na ikinagulat ang ginawang ‘big-shot’ ni Justin Browlee sa Gilas vs. Saudi Arabia

INIHAYAG ni Coach Tim Cone ang kanyang hindi pagkagulat na reaksyon sa naganap na laro ng Gilas Pilipinas kontra Saudi Arabia sa 2025 FIBA Asia Cup.Philippine travel guide
Sa isinagawang pulong balitaan matapos ang laro, kanyang ibinahagi na wala ng bago aniya sa ginawang pagpasok ng puntos ni Justin Brownlee sa huling quarter.
Kung saan ipinasok o na-shoot ng naturang Gilas player ang three-point shot sa natitirang 3.7 seconds ng fourth quarter.
Dahil rito’y tabla ang puntos ng magkatunggaling koponan sa iskor na 79-all, nagdulot upang magkaroon ng overtime.