VP Sara, matibay ang tiwala at kumpiyansa kay Kaufman
- Published on August 13, 2025
- by @peoplesbalita
PINANINDIGAN ni Vice President Sara Duterte ang kanyang tiwala at kumpiyansa kay Atty. Nicholas Kaufman sa paghawak sa kaso ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakahain sa International Criminal Court (ICC).
Ipinahayag ito ni VP Sara habang papalapit na ang pagdinig sa ‘confirmation of charges’ ng kanyang ama sa ICC — na nakatakda sa Sept. 23.
“Of course, yes. Because she was the lawyer chosen by former president Duterte, so we simply follow the client’s choice,” ang sinabi ni VP Sara sa isang panayam nang tanungin ukol sa kanyang tiwala at kumpiyansa kay Kaufman.
“So as long as the former President Duterte says, `he is my lawyer,’ we will follow and cooperate with whatever the legal team needs,”dagdag na pahayag nito.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC ang dating Pangulong Duterte matapos siyang arestuhin at ipadala sa The Hague, Netherlands, para sa crimes against humanity na di umano’y kanyang nagawa sa panahon ng kanyang ‘war against drugs.’
Ang war on drugs ng dating Pangulo ay nagresulta sa pagkasawi ng 6,000 katao habang ang ulat naman ng human rights groups ay umabot ito ng 20,000.
(Daris Jose)