• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, “on its right track” para muling maibalik ang tiwala ng publiko- PBBM

KUMPIYANSANG sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Philippine National Police (PNP) ay “on its right track” tungo sa muling maibalik ang tiwala ng publiko.
Tinukoy ng Pangulo ang mas mababang crime rates at bagong operational capabilities, habang binigyang-diin na ang public perception ay kasing halaga ng statistics.
Sa pagsasalita sa 124th Police Service Anniversary celebration sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na makikita sa pinakabagong data na ang crime incidence mula June 2024 hanggang June 2025 ay bumaba kumpara sa naunang panahon.
“But we recognize that numbers alone cannot allay the fears of our people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos .
“As public servants, we do not ask people to celebrate statistics if their experiences tell a different story, and that’s why we must regain the trust of the public through more decisive and responsive actions. And I believe, the PNP is now on its right track,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, tinukoy naman ni Pangulong Marcos ang five-minute response time strategy ng PNP sa pamamagitan ng muling pinagana na emergency 911 hotline, na aniya’y nakayanan ng mga pulis na tugunan ang libo-libong mga tawag para sa tulong, interbensyon at search and rescue.
“Five minutes can mean the difference between safety and danger, even between life and death,” ang tinuran ni Pangulong Marcos sabay sabing dapat na mapanatili ang kahandaan “rain or shine” at “no matter what time” upang masiguro ang public confidence sa pagtugon ng kapulisan.
Pinuri naman ng Pangulo ang paggamit ng drones at iba pang advanced technologies para pahusayin ang katumpakan sa pagmo-monitor at pagtugon, subalit binigyang-diin na “technology will never replace the importance of your presence on the ground.”
“Aanhin pa ang pinakamodernong kagamitan kung may iilang pulis pa ring umaabuso sa kapangyarihan” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Nangako naman ito na ipagpapatuloy ang imbestigasyon at pananagutin ang mga tiwaling opisyal.
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga police personnel ang suporta ng gobyerno habang isinusulong nito ang modernisasyon at pinapanatili ang operational readiness.
Binati rin nito ang mga recipients ng Medalya ng Kagitingang Gawa at iba pang papuri, tinawag ang kanilang kontribusyon sa ‘public safety, community engagement, at institutional development’ na “deeply commendable.”
Ngayong taon, ang pagdiriwang ay pagkilala sa natatanging PNP uniformed at non-uniformed personnel at pagpapakita sa walong bagong patrol vehicles.
Bago ang seremonya, binisita ni Pangulong Marcos ang PNP Command Center (PCC) ay binrief ukol sa five-minute Police Response Time system.
Kasama sa mga ipinakita ang drone-assisted operations at paggamit ng body-worn cameras (BWCs), 800 ay maaaring ma-stream live video. ( Daris Jose)