• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Ganito na ba ang kabataan ngayon?’: ALMA, ikinagulat ang mensaheng nanghihingi ng ‘nude pic’

IKINALOKA ng aktres na si Alma Concepcion nang makatanggap ng indecent message mula sa isang netizen sa kanyang social media account.
Ibinahagi ng isa sa longtime celebrity endorser ng Beautederm ni Ms. Rei Anicoche-Tan sa kanyang Facebook ang screenshot ng mensaheng natanggap mula sa bastos na netizen.
“Hi tita, can you send me nudes?”,” bagay na ikinagulat ni Alma.
Reaction naman niya, “Ganito na ba ang kabataan ngayon? Wala akong kababata na nagsabi sa mga tita namin na “Hi tita, can you send me nudes?”
At sa naturang Facebook niya, umani nga ng mga komento mula sa netizens na karamihan ay nabastusan sa sinabi ng nagpapantasya sa aktres, na walang profile pic at naka-lock din ang account.
Sey ng mga netizen…
“Ingat always po Love you Alma Concepcion. Kakatruma talaga mga kabataan Ngayon.”
“Kaninong kamag anak to check nyo bka  ipinapahiya nya na buong angkan nyo. Just click the link lang po.”
Bastos Kang Bata ka ha. Kasuhan mo Yan friend.”
“The audacity to send you that kind of message Ma! Grabe hahaha.
“Ewan kung paano pinalaki ang mga batang ganyan ng magulang…Mga bastos at walang modo…Ngayon pa lang mag ipon na ng pang pyansa ang Nanay at Tatay ng batang yan.
“Nakalock din ang profile niya at dummy account pa,bastos talaga,baka swa-il din yan na pagkaanak kaya ganyan ang inaasal,nakakalungkot ang mga kabaan ngaun wala ng respeto sa mga nakakatanda.
“Ang babastos naman nyan mommy, kapal ng mukha nanghihingi pa jusqq. nakakapurwisyo ang gantong bata.
baka hindi minor, pero iba pa din kamandag mo kase baks!
“Asking your tita for nudes?
“Like you’re someone worth undressing for! Bro, even your profile pic ghosted you.”
Mga batang 80’s never do that.
“Wth…natawa ako sa “tita” pero, “pa send nudes”..gosh kids and teens these days. Matter of fact–human being these days all over the world. So sad.



“Grabe na talaga ang kabataan Ngayon no wonder mataas ang HIV cases walang respeto e file a complaint po para magtanda.”

“Grabe walang respeto. Paano kung ginawa ng ibang tao sa Mama, Ate, Tita at Lola niya yan. Dahil yan sa TikTok at Internet.
Pagbibiro naman ng isang netizen, “Alma Concepcion Hi Tita pa send po GCASH genern dapat.”
(ROHN ROMULO)