Nag-struggle siya sa ilang rejections: MAKI, inaming nakaranas na ma-sexual harass sa isang audition
- Published on August 9, 2025
- by @peoplesbalita
INAMIN ng singer-songwriter na si Maki (Ralph William Datoon in real life) na nakaranas siya na ma-sexual harass sa isang audition noong 15 years old siya.Ayon sa OPM singer, nag-struggle siya sa ilang rejections. At sa isang audition, hindi niya inakala na makakaranas siya na ma-verbally harass.
“I was 15 and sobra po akong full of passion, full of dreams, and then I auditioned. I did everything, nag-acting, nag-singing, dancing, in front of one person kasi ni-lock niya ‘yung pinto,” kuwento ni Maki.
Hindi binanggit ni Maki ang pangalan ng taong na nagtanong sa kanya ng mga sexual questions.
“Sabi po kasi niya is, ‘kailangan alam namin ‘tong mga bagay na ‘to kasi dapat kilala ka namin as an artist. So ako po, naniwala po ako, so kung anu-ano pong sinabi ko na mga bagay na-expose — feeling ko po, first time ko po kasi mahiyain po akong bata eh.”
Nagkunwari na lang daw si Maki na mag-CR siya para lang makalabas siya ng kuwarto.
“Di na po ‘ko bumalik, tapos nag-jeep po ako pauwi, tapos umiiyak po ako sa jeep. Dun ko lang po na-realize na hindi ko po alam kung ano ‘yung ginawa sa akin pero na-realize ko po that time, I was thinking about my.
“Yun lang po nasa isip ko, pumunta po ako ng kwarto na ‘yun for my dream. Maybe I’m not ready yet for this dream, so if my dream is too big, baka di ako big enough to achieve it.”
Nagtapos ng kanyang pag-aaral si Maki at dinala ng kaibigan niya ang kanyang demo sa Tarsier Records at pinapirma siya ng kontrata.
Ngayon ay isa na si Maki sa mga sikat na OPM singers ngayon dahil sa mgq singles niya na “Dilaw,” “Saan?”, “Kailan?”, “Bughaw,” at “Kahel na Langit.”
He is set to release his album “Kolorcoaster” on September 19.
***
ANG kilalang Lumpia Queen na si Abi Marquez ay may pangarap na makapagpatayo ng sariling restaurant balang araw.
“Someday. But I will take my time figuring out my taste, my cuisine,” sey ni Abi.
Nakilala si Abi dahil sa kanyang cooking videos sa TikTok at sa likod ng kaniyang tagumpay, kinilala at nagbigay pugay siya sa kaniyang team sa likod ng camera.
“To make videos as seamless as that, they really have to take a good, talented team behind it to make it kaya, ayan, we appreciate you, my team,” sabi pa ng food content creator.
Nang tanungin siya kung paano niya tinatanggap ang mga kritisismo, sinabi ni Abi na sinisimulan niya ito sa pagtanggap na ang pagkain ay isang personal na bagay sa iba’t ibang tao.
“Lahat tayo may kinalakihan na kunyari, recipe ng adobo, so I’ve accepted that and really willing to listen to that,” sey ni Abi na napapanood sa ‘Sanggang-Dikit FR’ sa GMA Prime.
(RUEL J. MENDOZA)