• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagsalita na sa pagkaka-link kay Piolo:  KYLE, kaiinisan dahil hadlang sa pag-iibigan nina JC at BELA

HINDI naiwasang tanungin ang Kapamilya actor na si Kyle Echarri tungkol sa mga naglalabasang tsismis sa kanila ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.
Marami kasi ang naglalagay ng malisya sa closeness nila ni Papa P.
Pero ayon kay Kyle, para na silang magkapatid ni Piolo at walang katotohanan ang mga naglalabasan sa social media.
Paglilinaw ng aktor, “I never really have to answer what the people say. Mali iniisip ng mga tao. Kapatid ko ‘yan. He is a brother, a best friend of mine.
“Ano isipin ng tao, sa kanila na. Kami, alam namin magkapatid kami. We are best friends.”
Dagdag ng isa sa bida ng ‘100 Awit Para Kay Stella’, “I have been asked this so many times. I know who I am. Kapatid ko ‘yan. He is like a brother to me. He has been a mentor to me for the past two years.”
Pahayag pa ng singer-actor sa pagiging close nila ni Papa P, “He came into my life at a very significant time when I was losing my sister. Ilan lang po nakaalam sa pinagdadaanan ko noon.
“One of the brothers that helped me out through the scenes na masakit at mahirap gawin dahil sa nangyari sa kapatid ko.”
Ilang beses na ring namang nagkatrabaho sina Piolo at Kyle tulad ng ‘Pamilya Sagrado’, na naging daan para mas maging close pa sila sa isa’t isa. May bago rin daw silang proyekto na malapit nang mapanood.
Samantala, malapit nang mapanood ang “100 Awit Para Kay Stella” sa September 10 na muling pinagbibidahan nina JC Santos at Bela Padilla at kasama na ngayon si Kyle na first time gagawa sa Viva Films.
Mula pa rin sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Hindi nga makapaniwala ang batang aktor na siya ang napili para sa character ni Clyde na magiging ka-triangle nina Fidel (JC) at Stella (Bela), na itutuloy ang kuwento after eight years.
Malaki nga ang magiging bahagi ni Kyle sa kuwento at sigurado raw kaiinisan siya ng manonood dahil magiging hadlang siya sa pag-iibigan nina Stella at Fidel.
Aminado rin siya sa malaking challenge ang pagganap niya bilang Clyde, na mukha namang naitawid niya ng maayos.
For sure, marami nang excited na mapanood ang sequel ng blockbuster na ‘100 Tula Para Kay Stella’, na dapat maghanda na muling masaktan.
(ROHN ROMULO)