• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reklamo ng Tax Evasion, isinampa ng BIR sa DOJ

NASA 23 kaso ng tax evasion ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa 23 korporasyon, 56 corporate officers, at 17 Certified Public Accountants na umano’y sangkot sa paggamit ng tinaguriang “Ghost Receipts.”

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., umaabot sa P1.41 bilyon ang nawawalang buwis dahil sa mga kahina-hinalang transaksyon gamit ang mga pekeng resibo mula sa mga kumpanyang wala namang aktwal na operasyon o negosyo.

Kabilang sa mga kumpanyang sinampahan ng kaso ang ilang malalaking pangalan tulad ng Ever Bilena Cosmetics Inc. at CHG Global Inc. o mas kilala bilang World Balance.

KInasuhan din ang mga kumpanya na kinasuhan sa nakaraang buwan ang Redington Corporation, Decarich Supertrade Inc., Buildforce Trading Inc., at Crazykitchen Foodtrade Corp.

Giit ng BIR, hindi sila titigil sa pagtugis sa mga gumagamit ng Ghost Receipts upang makaiwas sa buwis. (Gene Adsuara)