• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming oras ang mawawala sa anak ‘pag tumanggap: IZA, wala pa sa plano na balikan ang teleserye

HINDI talaga masasabi ang buhay.

Ganito ang nangyari sa dating T.G.I.S. member na si Red Sternberg. Base sa nabalitaan namin, may plano talaga itong umuwi ng bansa ngayong taon. Isa sa dahilan ang matagal na rin namang pina-planong reunion project ng original T.G.I.S. group.

Nakauwi naman sa bansa si Red, kasama ang kanyang asawa na si Sandy at tatlong anak.  

Nakasama rin niya ang mga kaibigan sa T.G.I.S., pero bilang pagbibigay ng huling pag-alaala na sa kanya.

Very thankful ang pamilya ni Red sa ibinigay na tribute, oras at lahat sinagot nila para wala ng iintindihin pa ang mag-iina niya. 

Present sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Ciara Sotto, Rica Peralejo, Direk Mark Reyes at maging si Kim delos Santos na umuwi from the U.S.A. 

May kutob kaming si Onemig Bondoc na naman ang hindi nag-show-up. 

Natuwa pa naman kami nang makita ito na nakipag-reconnect na sa grupo after the announcement ng pagpanaw ni Red, pero hayun nga…

Anyway, sana ay matuloy pa rin ang reunion project ng grupo kahit kulang na sila.

 

***

 

KAHIT na gumagawa na ng ilang pelikula, tumatanggap ng mga guesting at endorsement, talagang ang teleserye ay wala pa raw sa plano ni Iza Calzado na balikan.

 

Aminado naman itong nami-miss niyang gumawa ng series, but as a mom to Deia, alam daw kasi niya na maraming oras niya ang mawawala sa anak kapag tumanggap siya ng serye.

 

Eh si Iza pa naman, very hands-on talaga sa anak nila ni Ben Wintle at sabi nga namin sa kanya, kapag nakikita namin ang mga post niya sa social media, kitang-kita namin kung gaano siya ka-in-love sa anak. Eh, napaka-bibong bata pa naman ni Deia.

 

Nakausap namin si Iza nang i-launch siya ng METRO sa SM North Edsa bilang ambassador ng mga cooking wares. Na ayon kay Iza, sakto raw para sa kanya dahil hindi talaga siya marunong magluto. 

Ilan lang ang mga nailuluto niya, though, her specialty na pasta Bolognese ay well-requested ng mag-ama niya.

 

Since ‘Start with Metro,’ sign daw ito sa kanya na mag-start na rin na seryosohin ang pagluluto. 

 

(ROSE GARCIA)