DOE, ipinag-utos ang ang mabilis na restorasyon sa 25 Visayas, Mindanao power plants
- Published on August 7, 2025
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ng Department of Energy (DOE) sa mga generation firms na nago-operate ng 25 power plants na nasa ‘forced outage’ o shutdown condition ng power station, transmission line o distribution line at walong iba pa na nasa ‘derated capacities’ sa Visayas at Mindanao na kaagad na ibalik ang kanilang pasilidad.
Ang kautusan mula sa Department of Energy (DOE) ay naglalayon na patatagin ang suplay sa dalawang pangunahing grupo ng mga isla, na nakararanas ng yellow alert status dahil sa mababang power supply margins.
Ang Visayas grid ay nasa yellow alert mula 1 p.m. hanggang 9 p.m., ikatlong pagkakataon kung saan ipinalabas ang yellow alert status ngayong buwan.
“There are 14 generation facilities in the Visayas that are on forced outage, while five others are on derated capacities,” ayon sa DOE.
Sa kabilang dako, may 11 power plants sa Mindanao ang nasa ‘forced outage’ at tatlo naman ang nasa ‘derated capacities.’
Inatasan naman ni Energy Secretary Sharon Garin si Undersecretary Mario Marasigan na “to lead this effort and work closely with all affected generation companies to establish clear and realistic timelines for the full return to service of these plants.”
“We expect full cooperation and accountability. Delays are no longer acceptable at this point,” ang sinabi ni Garin sa isang kalatas.
Nanawagan naman ang DOE sa pribadong distribution utilities (DUs) na maghanda para sa posibleng pagpapagana ng Interruptible Load Program, isang programa kung saan ang hinihiling ng DUs sa kanilang customers na may generation capacities na pansamantalang magtiwala sa kanilang kakayahan na bawasan ang presyon sa grid.
Hinikayat din ng Kalihim ang publiko at industrial at commercial establishments na tumulong na ayusin ang paggamit kapag peak hours.
“By working together and making small adjustments in our energy use, we can stay productive while helping protect the integrity of our power system,” ang sinab pa rin ni Garin. ( Daris Jose)