• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas mataas na taripa sa imported na bigas para maisalba at mai-stabilize ang presyo ng lokal na bigas

NAGHAIN ng resolusyon ang ilang mambabatas upang gawing 35% ang taripa sa imported na bigas mula sa kasalukuyang 15%.
Nakapaloob ito sa House Joint Resolution No. 3 na inihain ninaDinagat Islands Representative Kaka Bag-ao, Akbayan Rep. Dadah Kiram Ismula, Rep. Chel Diokno, Rep. Perci Cendaña, Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima, Albay Rep. Krisel Lagman, at Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah San Fernando.
Ikinaalarma ni Bag-ao ang pagbaba ng farmgate prices ng palay sa P16.9/kg mula sa original na P24.9/kg sa mga nakalipas na taon sa kabila ng mataas na costs of production na nasa average na P13.38/kg.
“Dahil sa mababang taripa sa inaangkat na bigas unti-unti nating pinapatay ang kabuhayan ng ating mga magsasaka. Hindi pa inaani yung palay, lugi na agad ang mga magsasaka,” ani Bag-ao.
Ayon sa mambabatas, dapat agad magpatupad muli ang gobyerno ng mataas na taripad makaraang bumaha ang imported na bigas dala na rin sa pagbaba nito.
“Noong 2024 kumonti ang suplay ng bigas dahil sa El Niño kaya binaba ng gobyerno ang taripa sa pag-angkat ng bigas para dumami ang supply. Ngayong wala nang El Niño, nararapat nang ibalik ang original na 35% tariff. Isang malaking salot sa rice farmers natin itong mababang taripa. Sa dulo, hindi na nga nararamdaman ng mga mamimili na bumaba ang presyo ng bigas, lalo pang naghihirap ang ating mga magsasaka,” dgdag nito.
Iginiit pa ni Bag-ao na tungkulin rin ng kongreso na protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng supisyenteng subsidiya at suporta habang ginagarantiya nito ang maayos na suplay ng murang bigas.
Iginiit pa nito na dapat gawin ng konreso ang orihinal nitong papel na maglagay ng tariff prices upang maiwasan na magkaproblema sa presyo ng bigas sa hinaharap.
“Congress delegated the power to impose those tariffs in accordance with RA 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act and also provided the conditions when it can withdraw that power–through a joint resolution of Congress. Panahon nang gamitin natin itong kapangyarihan para sa agrikultura natin,” pagtatapos ni Bag-ao. (Vina de Guzman)