DOH isinusulong HIV education, services sa mga opisina, workplaces
- Published on August 6, 2025
- by @peoplesbalita

Sa datos ng 2025 Q1 HIV & AIDS Surveillance of the Philippines (HASP) Report, mula Enero hanggang Marso 2025, isa sa bawat dalawang tao ang may HIV mula sa working population na nasa edad 25-34 years old kung saan malaki ang oras na iginugugol ng mga manggagawa sa mga opisina o workplace.
Parte sa kampanyang ito ang pagbibigay ng libreng condoms, lubricants, at Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP), HIV testing, at edukasyon sa pagsunod sa antiretroviral therapy sakaling magpositibo sa HIV.
Unang workplace na binisita ng DOH ang iba’t ibang mga Business Process Outsourcing (BPO) companies sa Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City ngayong Linggo.
Mayroong 305 DOH-Designated HIV Care Facilities sa bansa na handang magbigay ng mga serbisyo para sa HIV prevention, maging ang gamutan ng Persons Living with HIV.
Ani Health Secretary Teodoro Herbosa, “Ang HIV ay nananatiling isa sa mga pangunahing isyung pangkalusugan sa bansa. Kailangang mas mapaigting ang kampanya at serbisyo para sa HIV sa pampubliko at pribadong sektor – kasama ang workplaces.”