Philippine, Indian navy nagsimula na ng kanilang unang joint South China Sea patrols SA kauna-unahang pagkakataon, nagsimula na ang Indian Navy warships ng pagpapatrol sa mga lugar ng pinagtatalunang South China Sea kasama ang kanilang Philippine counterparts.
- Published on August 5, 2025
- by @peoplesbalita
Kabilang sa two-day sail ay ang tatlong Indian vessels at nagsimula , araw ng Lingo, isang araw bago umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang 5-day state visit sa India kasama rito ang makausap at makapulong si Indian Prime Minister Narendra Modi.
Itinaas naman ng Pilipinas ang defense cooperation kasama ang hanay ng mga kaalyado sa nakalipas na taon matapos ang serye ng banggaan sa South China Sea.
Halos angkinin naman ng Beijing ang buong katubigan sa kabila ng international ruling kung saan ang panggigiit nito ay walang legal na basehan.
Ang naval vessels ng India kabilang na ang ‘guided missile destroyer INS Delhi’ dumating sa Pilipinas para sa isang port visit bago matapos ang nakaraang linggo.
Ang patrol “started yesterday afternoon, then it’s ongoing up to this moment… the activity at the moment is replenishment at sea,” ang sinabi ni Lieutenant Colonel John Paul Salgado sa AFP.
Habang nasa India, inaasahan naman na lalagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kasunuan sa larangan ng ‘law, culture and technology’, ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq, subalit nakatutok ang lahat ng mata at atensyon sa anumang potential defense agreements.
Bago pa umalis ng Pilipinas, pinuri ni Pangulong Marcos “steadfastness in upholding international maritime law, including the UNCLOS” ng dalawang bansa.
Sa nakalipas, ang Pilipinas ay bumili ng BrahMos supersonic cruise missiles mula India, isang armas na mayroong top speed na 3,450 kilometers (2,140 miles) kada oras.
Ang India, naugnay sa border clashes kasama ang China sa Himalayas, ay isang miyembro ng tinatawag na Quad, isang grupo na kinabibilangan ng fellow democracies sa Estados Unidos, Japan at Australia.
Makailang ulit namang sinasabi ng Beijing na ang four-way partnership, unang inakala ng namayapang si Japanese prime minister Shinzo Abe, ay nilikha bilang paraan para pigilan ang Tsina. ( Daris Jose)