• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na wanted sa murder sa Caloocan, laglag sa 5-minute response ng NPD

ISANG lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay ang arestdo sa loob lamang ng 5-minute response operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) matapos itawag sa 911 ng isang concerned citizen sa Caloocan City.
Sa ulat, nakatanggap ng tip mula sa isang concerned sa pamamagitan ng 911 ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na nakita ang isang lalaki na tugma sa description ng wanted na indibidwal habang naglilinis ng sasakyan isang carwash sa Tanigue St., Brgy. 14.
Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 4 kung saan nakumpirma ng mga ito na ang nasabing indibidal ay tugma nga sa description ng Target Intelligence Packet.
Nakipag-ugnayan ang mga tauhan ni Col Goforth sa District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD na dumating naman kaagad sa lugar dakong alas-4:30 ng hapon.
Dito, isinilbi ng pulisya sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 128, noong July 17, 2025, para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Hindi naman umano pumalag ang akusado na nakatala bilang number one Most Wanted Person sa Regonal, District at Station levels nang bitbitin siya ng pulisya.
Pinuri naman ni P/BGen. Jerry Protacio, Acting District Director ng NPD ang teamwork at pagiging alerto ng lahat na involved units.
“This arrest proves that with strong coordination and community support, justice will always catch up to those who try to run from the law. We are one with the PNP leadership in delivering swift response and upholding public safety.” pahayag niya. (Richard Mesa)