Lalaki na most wanted sa droga sa Malabon, timbog
- Published on August 5, 2025
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang lalaki na most wanted sa droga nang matimbog sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa Malabon City.
Ikinasa ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig ang pagtugis sa akusado na si alyas “Adhe,” 36, na nakatala bilang No. 10 Top Most Wanted Person sa Malabon CPS.
Dakong alas-12:10 ng tanghali ng tuluyang masukol ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang akusado sa Barangay TaƱong, ng Lungsod.
Maayos naman umanong naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trail Court (RTC) Branch 170, noong July 25, 2025 para sa paglabag sa Section 11, Article II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na may inirekomendang piyansa na P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Pinuri naman ni P/BGen. Jerry Protacio, Acting District Director ng Northern Police District ang arresting teams sa kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng publiko at koordinasyon na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)