Human trafficking, walang puwang sa Quezon City – Mayor Joy
- Published on August 5, 2025
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na walang puwang sa lungsod ang human trafficking partikular sa mga kabataan at mga business establishments sa QC.Ang paniniyak ay ginawa ni Belmonte, kasabay ng paglulunsad ng QC SAFE Seal ng Anti-Trafficking in Person (ATIP) Conference na layong matiyak na walang umiiral na human trafficking sa lungsod particular sa mga kabataan at mga business establishments sa QC.
Dito ay pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang paglagda sa pledge of commitment kasama ang QC partners mula sa pribadong sektor, non government organizations, government agencies at QC departments para sama-samang tiyaking walang magaganap na human trafficking sa lunsgod.
Nagpahayag ng kanilang suporta dito sina QC RTC Branch 13 Presiding Judge Lily Ann Marcos Padaen, City Prosecutor Vimar Barcellano, Councilors Sami Neri at Mari Rodriguez, Philippine Children’s Ministries Network Rep. Armi Martinez, UNICEF Ph Rep. Vanessa Perez, at Ruby Ramores ng Diocese of Novaliches.
Ang aktibidad ay kaalinsabay sa paggunita ng QC LGU sa World Day Againts Human Trafficking na may temang “No Room for Human Trafficking in Quezon City: Empowering the Hospitality Industry in Combating Human Trafficking”.
“Walang puwang ang human trafficking sa ating lungsod, kaya naman sama-sama tayo tungo sa isang safer space para sa bawat mamamayan” sabi ni Mayor Belmonte.
Sa anumang emergency, muling ipina alala ng QC LGU na maaaring tumawag sa QC Helpline 122 para sa agarang pagtugon at aksyon sa mga naidudulog na reklamo.