P170K droga, nasamsam sa drug bust sa Valenzuela
- Published on August 5, 2025
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat Kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Gerson Bisayas ang suspek na si alyas “JR”, 38, Area 4, Pinalagad, Brgy., Malinta.
Ayon Kay P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan, ikinasa ni Capt. Dorado ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil, sa koordinasyon sa PDEA.
Dakong alas-12:30 ng hating gabi nang makipagkita umano ang suspek sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Paraiso St., Brgy. Karuhatan na nagresulta sa kanya.
Nakumpiska sa kanya ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P170,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, at pitong 1000 boodle money, at 200 cash.
Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng Inquest Proceedings. (Richard Mesa)