• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OPERASYON NG PDEA AT IBA PANG LAW ENFORCEMENT AGENCIES NAGBUNGA NG POSITIBONG RESULTA

BILANG bahagi ng malawakang operasyon laban sa iligal na droga, nagsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 56 na high-impact operations mula Hulyo 25 hanggang Agosto 1, 2025, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 97 drug personalities at pagkakakumpiska ng iba’t ibang iligal na droga.
Ang mga operasyon laban sa droga ay nagbunga ng:
– 8,196.65 gramo ng shabu (crystalline methamphetamine); 78,800 fully grown na halaman ng marijuana at 4,256 gramo ng tuyong dahon ng marijuana; at 52 ecstasy tablets.
Ang Major highlights ng week-long nationwide anti-drug operations ay sumasaklaw sa pag-aresto sa 53 drug pushers, 22 drug dens bisita/kliyente, 11 drug den maintainers, at 8 drug den employees; 48 buy-bust operations ang karamihan sa mga naaresto, kabilang ang high-value seizure tulad ng 4.28 kg. ng shabu sa Zambales, 1 kg. sa Lanao del Norte at 701.72 gramo sa Pampanga; Ang Marijuana Eradication sa Kalinga (CAR) ay bumunot ng 78,800 halaman ng marijuana, 3 drug possessor, 53 drug pushers, at 11 drug den maintainers, na nagpatibay sa PDEA crackdown sa street-level at organized trafficking.
Binigyang-diin ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez ang walang humpay na pagsusumikap ng ahensya laban sa ilegal na droga, aniya, “Ang mga nagawa nitong linggong ito ay sumasalamin sa hindi natitinag na pangako ng PDEA na puksain ang salot ng iligal na droga. Patuloy nating paiigtingin ang mga operasyon, hindi lamang ang mga street-level peddler ang target natin kundi pati na rin ang mga financier at supplier na nagpapalaganap ng droga.”
Ang Regional Breakdown
– Pinakamalaking Shabu 4,000 gramo ang nasabat sa Mandaue City, Cebu (Region 7);.
– Karamihan sa mga Arestado 8 suspek, arestado sa iisang Cavite buy-bust (Region IV-A);
– Ecstasy Interdiction, 52 tablets ang naharang sa Clark Freeport Zone, Pampanga (Region 3).
“Nangangako ang PDEA na ipagpatuloy ang mga all-out intelligence-driven operations nito laban sa ilegal na droga, at inter-agency collaboration para lansagin ang mga network ng drug trafficking sa buong bansa.” Nagtatrabaho kami sa kalidad, hindi sa bilang. Dapat panagutin ng PDEA ang mga supplier ng droga, tiyakin na sila ay dadalhin sa hustisya at mapapasa ilalim ng buong bigat ng batas. Ito ay hindi lamang tungkol sa istatistika ito ay tungkol sa dignidad, kaligtasan, at kinabukasan ng bawat Pilipino. Sama-sama tayong lalaban para sa Bagong Pilipinas na walang droga, kung saan pinahahalagahan ang buhay, at kung saan nananaig ang rule of law”, dagdag pa ni DG Nerez. (PAUL JOHN REYES)