• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Solid fans nila ni Barbie, nag-react agad: DAVID, ipa-partner naman kay JILLIAN sa bagong primetime series

SINA Jillian Ward at David Licauco na ba ang bagong Kapuso loveteam ngayon? Although, bukod sa dalawa, kasama rin sa bagong sisimulang primetime series ng GMA-7 ang Korean star na si Kim Ji Soo.
Ang pagsasamahan nilang tatlo ay ang action series na “Never Say Die.” Hindi pa namin alam ang kabuuan ng kuwento dahil nag-storycon pa lang ang bagong serye na ito.
Ang alam namin, nagte-training na si Jillian para sa action series niya ito, so most likely, ganun din si David.  Si Ji Soo ay talagang pang-action. Hindi rin ito ang first time na magkasama nina Jillian at Ji Soo dahil nagkasama na sila sa ‘Abot Kamay na Pangarap.’
Nagkasama na rin dati sina Jillian at David. Nakakaaliw lang ang ilan sa mga comment na nababasa namin. Nandiyan ang bilis na agad nahusgahan ng ibang netizen na wala raw spark sina Jillian at David.
Meron din nagsabi na “BarDa lang.”
In a way, tiyak na expected na ng GMA-7 ang mga ganitong reaction o komento dahil nga may fandom na ang loveteam nina David at Barbie Forteza.
‘Yang mga ganyang comment, mapapatunayan lang kapag naipalabas na at napanood na silang magkasama.
Sa ngayon, bagong putahe naman ito.
***
ANG controversial at tinatawag na Revival King na si Jojo Mendrez ay may bago ng manager.
Nagulat din kami noong una naming malaman, pero kung may sigurado, tiyak na he’s in good hands with Rams David of Artist Circle.
May bagong branding na rin siya, which is Super Jojo, which is, pwedeng-pwede naman dahil sa mga taong natutulungan niya, lalo na randomly, he can be considered as their “Super Jojo.”
Thankful din naman si Jojo na nakilala niya si Rams through Roxy Liquigan of Star Music. Umpisa pa lang daw, alam niya na mabait at magiging maayos ang mga plano pagdating sa kanyang career.
Marami ang nagtatanong kay Ateng Rams kung bakit siya nagdesisyon na i-manage si Jojo. Sey niya, nakita raw niya na ang gusto talaga nito ay kumanta, makapag-entertain. Nakita rin daw niya ang maraming concepts at mga gusto pa nitong gawin.
Sa kanyang IG nga, sinabi niya na, “His goal is to entertain and make people happy. The same values na gusto namin sa Artist Circle. That is why we are welcoming The Revival King, Jojo Mendrez. After various meetings with Morly Alinio, Ona Lara, Roxy Liquigan at Jonathan Manalo, natuloy din ang aming contract signing.”
Going back to Jojo, may video greeting si Mark Herras sa naging contract signing niya at nilinaw niyang okay na sila at yung nabalitang idedemanda niya ito ay hindi na raw matutuloy.
May bago siyang ni-revive na kanta, ang “I Love You Boy” ni Timmy Cruz na ginawa niyang “I Love You Babes” at gagawin din niya ang “Bakit Ba Ganyan” ni Dina Bonnevie at isang Christmas song.
(ROSE GARCIA)