• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:47 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong kaso ng dengue sa Maynila, halos 60 na

UMABOT na sa halos 60 kaso na ng dengue ang naitala sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Health Department, ito ay mula lamang noong July 13 hanggang 19.

Sa kabila nito, wala namang naitala na namatay dahil sa sakit na nakaapekto sa mga residente na mula edad 1 hanggang 85.

Sinabi ni Dr. Edgar Santos, Asst City Health Officer ng Maynila na karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mga lalaki na edad 10 hanggang 14.

May pinakamataas na kaso ang District 1 sa Tondo.

Umaasa naman ang MHD na makatutulong ang ipinamahagi nilang mahigit 65-libong doxicycline para mapigilan ang paglobo ng sakit na leptospirosis .

Noong July 13 hanggang 19, naitala ang 10 kaso bagama’t mga suspected at probable pa lamang — na ang ilan ay nakauwi na habang ang iba ay nasa ospital pa

Mula sa District 5 partikular sa Baseco compound ang karamihan sa mga tinamaan ng Leptospirosis sa lungsod .

Karamihan din aniya sa mga kaso ng Leptospirosis ay kalalakihan na edad 25 hanggang 29. (Gene Adsuara)