• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:22 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ: May bagong testigo sa missing sabungeros case 

MAY lumutang na  bagong testigo sa nawawalang mga sabungeros, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Justuce (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary  Crispin Remulla,  mayroon silang panibagong hawak na testigo kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.

Inaasahan aniyang mailalabas at malalaman ng publiko sa mga susunod o lalong madaling panahon.

‘Malalaman n’yo very soon mayroon kaming bagong testigo na lalabas,” ani Remulla.

Diin pa ng Kalihim, hindi lamang basta testimonya ang hawak nila kundi mayroon pang tiyak na ebidensya ang siyang ibinahagi ng naturang testigo.

Aniya makakatulong raw ito upang mas mapagtibay ang kredibilidad ng naunang lumantad na testigong si alyas ‘Totoy’. (Gene Adsuara)