Seniors, PWDs may 50% diskwento na sa lahat ng MM trains
- Published on July 30, 2025
- by @peoplesbalita
MAY 50% diskwento na ang mga senior citizens at mga persons with disabilities
(PWDs) sa lahat ng trains sa Metro Manila tulad ng Metro Rail Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 and LRT 2).
Ito ang pinahayag ni President Ferdinand Marcos, Jr. noong nakaraang July 16 ng
nagkaron ng paglulungsad sa programa na ginawa sa estasyon ng MRT 3 Santolan-Annapolis.
“Around 13 million senior citizens and 7 million PWDs will benefit from this program. It is available in MRT 3, LRT 1, and LRT 2 and will be valid until 2028,” wika ni Marcos.
Nauna ng nabigyan rin ng 50% diskwento ang mga estudyante kung saan may
mga designated lanes sila sa mga istasyon ng MRT 3.
Sinabi rin niya na ang Dalian trains na binili pa noong 2014 ay nagagamit na sa
MRT 3 kung saan may 3 trains na may 3 coaches bawat isa ang tumatakbo na may kabuuang 9 na train-cars.
“We will keep working to make all of them operational,” sabi ni Marcos.
Ayon sa pamahalaan na nagbigay ng kumpirmasyon ang CRRC Dailian na kanilang gagawin ang modification ng mga trains upang mabigyan ng solusyon ang problema sa compatibility ng walang gagastusin ang ating pamahalaan.
Ang German TUV Rheinland na kumpanya ang siya pa ang nangasiwa sa full technical audit habang ang MRT’s 3 na current maintenance provider na Japan’s Sumitomo Corporation ang gumawa ng safety checks at compliance procedures.
“Once fully deployed, the new trains, each capable of carrying up to 1200 passengers, will significantly boost capacity on Line MRT 3, which currently carries an average of 380,000 passengers a day. Entry into service of the new fleet will also reduce intervals between trains from 4 minutes to 2 minutes and 30 seconds,” dagdag ni Marcos.
Kaugnay pa rin sa MRT 3, maari ng gamitin ang Gcash bilang bayad sa pamasahe kung kaya’t magiging cashless na ang isa sa mga paraan ng pagbabayad matapos na makipag partner ang Department of Transportation (DOTr) sa e-wallet na Gcash. Ito ay sa ilalim ng automated fare collection system (AFCS) ng MRT 3.
Ang AFCS ay magbibigay sa mga pasahero ng MRTs ng mas mabilis na paraan ng pagbabayad ng pamasahe dahil diretso na silang magbabayad sa pamamagitan ng GCash app o EMV tulad ng Europay, Mastercard o Visa debit at credit cards.
“Commuters have the option to pay fares using different payment methods. They don’t have to fall in line to buy their tickets. This is the first of its kind in the world, I was told, because in other countries, not all forms of visa cards are accepted,” dagdag ni DOTr Secretary Vince Dizon.
Sa ngayon ay lahat ng estasyon ng MRT 3 ay nilagyan na ng GCash-powered tap-
to-pay turnstile. Maliban sa GCash, ang mga pasahero ay walang gagawin kung hindi mag-tap lamang ng kanilang credit o debit cards sa mga turnstiles upang magbayad para sa kanilang pasamahe.
Kung kaya’t mawawala na ang mahabang pila upang bumili lamang ng single-
journey o stored-value tickets.
Sinabi ng DOTr na ang kanilang layunin sa hinaharap ay magkaroon ang lahat ng
ganitong sistema sa lahat ng ng rail lines tulad ng LRT 1 and LRT 2. LASACMAR