Muling tatanggap ang District Office ng mga request: Cong. ARJO, magbibigay ng assistance para sa medical, burial, financial at guarantee letter
- Published on July 28, 2025
- by @peoplesbalita

Matapos nilang tumulong sa mga nasalanta ng magkasunod na bagyo, ito naman ang bago nilang pagkakaabalahan.
Sa kanyang Facebook post na may kasama video na tungkol sa…
“Assistance for Medical, Burial, Financial and Guarantee Letter is now open Mga Ka-Distrito.” [green hearts emoji]
Say pa ng aktor-pulitiko, “Muli na pong tatanggap ang ating District Office ng mga request para sa Medical Assistance, Guarantee Letter, Burial at Financial Assistance.
“Simula sa Lunes, Hulyo 28, 2025, mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM, bukas muli ang opisina upang tumanggap at magproseso ng inyong mga request, lalo na para sa Medical Assistance.”
Dagdag pa niya, “Panoorin na lamang ang video na ito upang malaman ang kumpletong step-by-step procedure at mga kailangang dokumento para sa mas mabilis at maayos na proseso.
“Kung may iba pa po kayong katanungan, huwag mag-atubiling lumapit o makipag-ugnayan sa ating opisina.
“Maraming salamat po, Distrito Uno! [green hearts emoji].”
Marami naman ang natuwa, pumupuri at nagpapasalamat kay Cong. Arjo, kaya inulan ng magagandang komento ang naturang post, na talaga namang malaking tulong sa kanyang mga ka-Distrito.
Mabuhay kay Cong. Arjo!
***
Iwas-Pila: Travel Tax Payment, Nasa eGov PH Super App na!
MAS pinadali na ang karanasan ng mga Pilipinong biyahero patungong ibang bansa sa pamamagitan ng bagong digital na sistema ng pagbabayad ng travel tax gamit ang eGov PH Super App.
Noong Hulyo 24, 2025, pormal na nilagdaan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Manila Marriott Hotel, Pasay City upang opisyal na ilunsad ang digital integration na ito.
Pinangunahan ang seremonya nina TIEZA Chief Operating Officer Mark T. Lapid at DICT Undersecretary Christina Condez-de Sagon, na kumatawan kay DICT Secretary Henry Aguda. Kasama rin sa pagtitipon sina DICT Undersecretary David L. Almirol, Jr., DOT Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano, ARTA Secretary Ernesto Perez, at TIEZA Assistant COO Joy M. Bulauitan.
Sa bagong sistemang ito, maaaring magbayad ng travel tax ang mga biyaherong palabas ng bansa kahit saan at anumang oras gamit ang eGov PH Super App. Sa pamamagitan ng pagpili ng “TIEZA Travel Tax” sa seksyong “National Government Agencies (NGAs),” dadalhin ang user sa isang mas pinadaling payment page na tumatanggap ng iba’t ibang payment methods gaya ng credit card at e-wallets. Pagkatapos ng bayad, awtomatikong ipinapadala ang digital acknowledgment receipt sa email ng user para magamit sa airport at immigration.
Ang travel tax payment ay naka-integrate na rin sa eTravel System—isang pinagsama-samang digital platform para sa immigration, health, customs, at ngayon, travel tax declaration ng mga biyahero papasok o palabas ng Pilipinas. Dahil sa API integration, awtomatikong nababasa at nabiberipika ng system ang pagbabayad ng buwis kaya’t wala nang kailangang i-print na resibo o exemption certificate.
Para sa mas mabilis na proseso, awtomatikong napupunan ang travel tax form gamit ang impormasyong dating naipasa ng biyahero sa eTravel. Kailangan na lang idagdag ang flight details at tapos na agad ang proseso. Sa eTravel declaration, maaaring tukuyin kung bayad na ang travel tax o kung may exemption. Kapag validated na, isang QR code ang ibibigay para magamit sa immigration clearance—na makatutulong sa pagbabawas ng pila at tagal ng hintayan sa airport.
Ayon kay COO Mark Lapid, “Mas kaunting papel, mas maikling pila, mas maraming oras para sa paglalakbay. Ang proyektong ito ay patunay na ang digital transformation ay hindi lamang pangarap—ito’y isang tungkulin upang gawing abot-kamay ang serbisyo ng pamahalaan para sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo.”
Binanggit din ni DICT Undersecretary Christina Condez-de Sagon na ang inisyatibong ito ay isang halimbawa ng “digital bayanihan”. Aniya, “Lahat ng ahensya ng gobyerno ay nagsasama-sama para sa mas mabilis at maayos na serbisyo sa publiko.” Tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang “whole-of-government approach” sa pagbibigay ng mas episyente at accessible na serbisyong pampubliko.
Ang hakbang na ito ay isang malaking pag-usad sa pagpapasimple ng mga travel-related transactions, at patunay ng pagtutok ng pamahalaan sa isang tuluy-tuloy at teknolohiyang pinangungunahang tourism experience.
Sa pamamagitan ng bagong partnership na ito, itinakda ng TIEZA at DICT ang bagong pamantayan kung paano maaaring baguhin ng teknolohiya ang serbisyong pampubliko—simula pa lamang ito ng mas magaan, mas mabilis, at mas masayang paglalakbay para sa bawat Pilipino.
(ROHN ROMULO)