• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naging emosyonal nang basahin ang letter ni Mikoy: JUANCHO, tila umurong ang luha nang makitang groomsman sa kasal

HINDI pa raw nagkikita o nagkakausap ang ex-lovers na sina AZ Martinez at Larkin Castor.
Inamin ng PBB Collab housemate na simula noong matapos ang show, never pa sila nagkukrus ng landas ng Sparkle actor.
“When I got out of the house, I haven’t been in contact with him. Hindi na po kami nag-usap.  But I wish him all the best talaga,” diin ni AZ.
Inamin din ni AZ na hindi pa siya handa sa ngayon na harapin si Larkin.
“As of now, I’m not yet ready to talk muna. I’m not yet ready to talk to him but like I wanna focus more on myself and career,” ipinaliwanag pa niya.
Bago pumasok sa PBB house si AZ, nakipag-break sa kanya si Larkin dahil ayaw niyang sumali ito sa show.
Nagpadala pa ng sulat si Larkin para ayusin ang kanilang relasyon na dumaan sa ilang pagsubok habang si AZ ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Nali-link ngayon si AZ kay Ralph de Leon na nakagaanan niya ng loob sa PBB house.
***
BUMISITA si Kapuso actor Mikoy Morales sa bahay ng kaibigan na si Juancho Trivino para personal na ihatid ang imbitasyon para sa kanyang kasal.
Dito na rin tinanong ni Mikoy Morales kung maaari ba niyang maging groomsman si Juancho.
Sa isang maikling video, ibinahagi ng magkaibigan ang pagbubukas nila ng personalized gift box na inihanda ni Mikoy para sa kanyang wedding entourage.
Nagbibiruan pa ang dalawa tungkol sa isa pa nilang kaibigan at kapwa Kapuso na si Mikee Quintos na una nang inalok ni Mikoy para maging bestwoman sa kanyang upcoming wedding.
Laman ang gift box invitation ni Mikoy ang isang sulat para kay Juancho, personalized keychain na may ukit ng karakter ni Juancho na si Padre Salvi mula sa seryeng ‘Maria Clara at Ibarra’, at isang bote ng pabango.
Naging emosyonal si Juancho nang basahin ang letter ni Mikoy pero tila umurong ang kanyang luha nang makitang groomsman at hindi bestman ang papel niya sa kasal.
“Wait lang, naiyak pa ‘ko, talo pala ‘ko. Okay, Mikee, ikaw ang nanalo. Kung busy ka sa araw na ‘yun, ako ‘yung understudy,” biro pa ni Juancho.
***
NAGLUKSA ang American music industry sa pagpanaw last July 22 ng Grammy-winning jazz musician and composer na si Chuck Mangione sa edad na 84 sa bahay nito sa Rochester, New York.
Mangione was born on November 29, 1940, in Rochester, New York. He studied at the Eastman School of Music, graduating in 1963 with a bachelor’s degree in music.
Mangione launched a successful solo career, releasing more than 30 albums, and selling millions of records. He received 13 Grammy nominations and won two Grammy Awards for Bellavia, and The Children of Sanchez.
His 1977 album Feels So Good ay isa sa most successful jazz records ever produced.
Ilan sa mga hit singles ni Chuck ay Feel So Good, Maui-Maui, Chase The Clouds Away, Blues March, Are You Real? and Hill Where The Lord Hides.
 
 
(RUEL J. MENDOZA)