DSWD sapat ang pondo para sa mga biktima ng kalamidad — Gatchalian
- Published on July 28, 2025
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga local chief executives (LCEs) na sapat ang pondo ng kagawaran para ayudahan ang mga biktima ng magkakasunod na kalamidad sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, nasa 600,000 na food packs na ang naipamahagi ng DSWD sa mga mayors at governors na nangailangan ng ayuda ng ahensiya.
Una rito, inikot ni Gatchalian ang mga evacuation centers sa Marikina, Las Piñas, Pasig, Caloocan, Navotas, Bulacan at Rizal at pinangunahan ang pagkakaloob ng mga pangangailangan ng bawat evacuees .
Nakipagpulong din si Gatchalian kay Manila Mayor Isko Moreno para sa tulong sa Maynila.
“Disaster response ng DSWD is anchored on our own workers, and the relationship between the DSWD and the local government units (LGUs),” pahayag ni Gatchalian.
Samantalang kuntento naman si Gatchalian sa pagresponde ng mga LGU sa mga biktima ng kalamidad. (Daris Jose)