SEWAGE TREATMENT PLANT, KAILANGAN SA MAYNILA
- Published on July 24, 2025
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang pangangailangan ng mas maraming Sewage Treatment Plant o STP mula sa national government ang siyang pang matagalang solusyon sa pagbaha sa Maynila.
Sinabi ni Isko na kailangan dagdagan ang kapsidad ng lungsod na linisin at ilabas ang tubig ulan sa pamamagitan ng wastong sewer system dahil hindi sapat ang lingguhang declogging.
Sinabi si Domagoso na bagama’t mayroon nang mga STP sa Roxas Boulevard, hindi pa rin ito sapat lalo na’t barado na ang karamihan sa mga kanal at hindi na kayang saluhin ang tubig ulan.
Ayon pa sa alkalde, nakita sa kanilang inspection na hindi basura kundi buhangin at putik ang bumara sa ilang drainage inlets matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Crising at Habagat.
Ilang pumping station din aniya ang hindi gumagana dahil wala pa ito sa pangangalaga ng MMDA dahilan ng pagbaha sa ilang lugar gaya ng Taft Avenue.
Iminungkahi rin ni Domagoso, magtayo ng mga STP sa iba pang flood-prone areas gaya ng Baseco, Parola at Districts 105 at 128. (Gene Adsuara)