• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinagtanggol ang naging ‘ anunsyo’ ni DILG Remulla

IPINAGTANGGOL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si DILG Secretary Jonvic Remulla mula sa pambabatikos laban dito kaugnay ng istilo ng kanyang departamento sa pag-anunsyo ng ‘class at work suspensions.’
At nang tanungin ang Panguo sa bagay na ito, ang naging tugon niya ay hindi siya huwes ng ‘literary style.’
“As long as he gets the message across, that’s what it’s for. That’s what all of these postings are for and get some information across,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”People criticize me for the way I speak, criticize him for the way he speaks. But that’s the way he speaks,’ dagdag na wika nito.
Ipinaliwanag din ng Pangulo ang tungkulin ng pag-anunsyo ng class suspension ay ibinigay kay Remulla para maiwasan ang paglaganap ng ‘fake information.’
“Which website do you consult? So, pagka ganito, basta’t sinabi na, the SILG will make the announcement… Wala ng fake news. Iyon na ‘yung katotohanan. Iyon na ‘yung totoo,” ayon sa Chief Executive.
“So that the dissemination of information is better. That is very simple,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Nauna rito, humingi na ng paumanhin si Remulla para sa “humorous posts” ng kanyang departamento sa pag-anunsyo ng ‘class at work suspensions’ na may ilang netizens ang nagsabi na wala silang pakialam.
Sinabi pa ni Remulla na hindi niya minamaliit ang paghihirap ng publiko at sinusubukan lang naman niya na pagaanin ang kanilang kalagayan.
Sa isang post sa DILG’s Facebook account, araw ng Martes, sinabi ni Remulla, “Mga abangers, may inaabangan ba kayo? Mamaya na kain muna ko.”
Matapos ito, nag-post na muli ang DILG kung saan sinabi naman ni Remulla na “Mga abangers, sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay nakaidlip nang sandali. Oh eto na inaabangan niyo!”
Sa ulat, 12 katao ang nasawi dahil sa epekto ng Tropical Cyclone Crising at Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Samantala, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na mahigit sa 1.4 milyong katao sa bansa ang apektado ng  Tropical Cyclone Crising, Southwest Monsoon, at low pressure area (LPA).
Dalawang bagyo, Emong at  Dante ang kasalukuyan ngayong nananalasa sa ilang bahagi ng bansa.
Sa 11 a.m. bulletin nito, sinabi ng PAGASA na ang mga sumusunod na lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1 ay ang :
Ilocos Norte,  Kanlurang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, San Juan, Cabugao, Santo Domingo, Magsingal, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Santa Maria, San Esteban, Santiago, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin)
   Hilagang kanlurang bahagi ng La Union (City of San Fernando, San Juan, Bacnotan, Luna, Balaoan, Bangar, Bauang)
    Kanlurang bahagi ng Pangasinan (Dasol, Burgos, Agno, Bani, Bolinao, City of Alaminos, Mabini, Anda) (Daris Jose)