• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa MM at 35 lalawigan; Non-vital government employees sa mga parehong lugar

DAHIL sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, sinuspinde ng Malakanyang ang klase sa lahat ng antas sa Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Rizal, Metro Manila, Laguna, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Cagayan, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Antique at Iloilo, araw ng Huwebes, Hulyo 24, 2025.
Nakasaad sa Mermorandum Circular No. 91, tinintahan ni Executive Secretary Luicas Bersamin, na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may petsang July 23,  ito’y bunsod na rin ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Mangementy Council (NDRMMC).
Ang mga ahensiya ng mga nasabing lugar na responsable sa pangunahin, mahalaga at health services, paghahanda at mga tungkulin sa pagtugon ay dapat na magpatuloy para manatiling operational upang matiyak na nagpapatuloy ang mahalagang government functions.
Ang Non-vital government employees na saklaw ng ahensiya at lahat ng iba pang government employees sa parehong mga lugar ay “not required to physically report to work.”
“However, where practicable and as determined by the respective heads of agencies, the said government employees shall be on alternate work arrangement, subject to applicable laws, rules and regulations,” ayon sa MC 91.
Idagdag pa rito, ang localized cancellation o suspensyon ng klase at/o trabaho sa government offices sa ibang rehiyon ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.
Ang suspensyon at/ o adopsyon ng alternatibo o kahaliling work arrangements sa pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya naman na ng Malakanyang sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.
Ang nasabing Circular ay kagyat na magiging epektibo. (Daris Jose)