Centralized patient records sa bawat munisipalidad at siyudad sa bansa
- Published on July 22, 2025
- by @peoplesbalita
NAGHAIN si 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ng panukalang batas na nagmamandato sa pagbuo ng isang Centralized Patient Record System (CPRS) sa lahat ng munisipalidad at siyudad sa bansa upang mapabuti ang pagbibigay ng healthcare sa publiko.
Sa ilalim ng House Bill No. 1907 o panukalang Local Health Record System Act of 2025, ang bawat pasyente na nagpatingin sa barangay health centers, rural health units (RHUs), at iba pang local primary care facilities ay magkakaroon ng comprehensive, accessible, at secure medical record.
“In many underserved communities, a patient’s medical history often vanishes with each consultation. Our health workers do their best, but without a reliable record-keeping system, they’re often forced to work blindly,” ani Libanan.
Ayon sa mambabatas, ang pagkakaroon ng centralized record system ay hindi lamang makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng misdiagnosis at medical duplication kundi makakatulong din sa pagligtas ng buhay dala na rin sa pagbibigay sa health professionals ng impormasyon sa kondisyon ng pasyente.
Nakapaloob sa panukala na ang mga local governments ay kailangang magmentina ng isang unified patient database na naglalaman ng impormasyon kanilang na ang dating diagnoses, medications, treatments, at lab results.
Sa pamamagitan nito, naniniwala ang mambabatas na mabibigyan ng sapat na imporasyon at datos ang mga frontliners para maibigay ang tamang gamutan.
“This is about fairness, access, and dignity in healthcare. Every Filipino, regardless of their income or location, deserves a documented medical history that follows them—not the other way around,”dagdag nito.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat municipality o city ay naatasang mag-develop at magmentina ng sistema sa loob ng kanilang RHUs o kahalintulad na health facilities.
Ang Department of Health (DOH) ay maglalaan ng kinakailangang technical guidelines, training, at financial assistance upang masiguro ang malawakang implementasyon nito sa loob ng dalawang taon.
(Vina de Guzman)