Quad Comm, ngayong 20th Congress
- Published on July 22, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang mga lider ng House Quad Comm noong 19th Congress sa mga mambabatas na muling buuin ang mega panel ngayong 20th Congress para ipagpatuloy at resolbahin na ang ginagawang imbestigasyon ukol sa drug-related killings, Chinese-linked syndicates at government corruption .
Ang Quad Comm ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, on Public Order and Safety, on Human Rights, at on Public Accounts ay nagsagawa ng ilang joint hearings sa nakalipas na kongreso na nagbunyag sa links sa pagitan ng offshore gaming hubs, extrajudicial killings at high-level corruption sa loob ng gobyerno.
Ngunit naputol ang trabaho nito dahil sa pulitika, banta sa mga saksi at pagtatangka umano para ilibing ang katotohanan.
“We cannot just move on. What we uncovered in those hearings was not fiction, not rumor, but fragments of a frightening reality,” pahayag ni reelected Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., na siyang nagsilbing chairman ng Committee on Human Rights noong 19th Congress.
Sinabi ni Abante na nadiskubre sa nakalipas na Quad Comm ang mga patterns ng pang-aabuso. (Vina de Guzman)