• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First Lady Liza, nagbitbit ng tulong, kaginhawaan sa mga OFW’s sa Riyadh  

PERSONAL na ipinadama ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pangangalaga at pagdamay ng Pilipinas sa mga inang OFWs, sa kanilang mga anak at kababaihan na nagpahayag ng kanilang pagkabalisa at pag-aalala.

Binisita ng Unang Ginang ang Bahay Kalinga sa Riyadh nito lamang Hulyo 19, 2025.

Sa isang Facebook post, araw ng Lunes, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na binisita ng Unang Ginang ang Bahay Kalinga 1 at 2, kung saan nakita, nakilala at pinakinggan ng Unang Ginang ang mga kuwento ng 154 kababaihan at 70 iba pa, kabilang na ang 28 mga bata o kanilang mga anak, kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng gobyerno.

“Tinatayang nasa 154 na kababaihan ang nasa pangangalaga ng Bahay Kalinga 1, habang may 70 (42 matanda o nasa hustong gulang at 28 bata) naman sa Bahay Kalinga 2 (tinatayang 154 kababaihan ang nasa ilalim ng pangangalaga ng Bahay Kalinga 1, habang 70 (42 ang nasa gustong gulang at 28 mga bata) are in Bahay Kalinga 2,” ayon sa post ng DMW.

Namahagi rin ang Unang Ginang ng mga ‘luggage, care kits na naglalaman ng gatas diapers, vitamins, at mga damit para sa mga ina at mga anak at maging financial assistance upan tulungan ang mga ito na muling magsimula.

Sinabi naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ang tulong ay bahagi ng layunin ng administrasyong Marcos na walang Filipino ang maiiwan o hindi kasama lalo na iyong nasa ‘distressful at vulnerable situations.’

Kapwa naman tiniyak ng DMW at OWWA na patuloy na magtatrabaho para makapagbigay ng kanlungan, proteksyon at reintegration support para sa mga Filipino na balisa.

“Alam naming may mga kababayan tayong naghihintay pa rin ng tulong, kaya’t hindi kami titigil hangga’t hindi naipararating ang Serbisyong May Saya sa bawat OFW, saan mang panig ng mundo,” ang sinabi ng OWWA.

Samantala, nauna nang inanunsyo ng Malakanyang na nasa isang opisyal na pagbisita sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia si Unang Ginang Liza upang makipagpulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at pangasiwaan ang mga inisyatiba para sa kanilang kapakanan.

Lumipad patungong Riyadh ang Unang Ginang nitong Huwebes, Hulyo 17 at inaasahang babalik ngayong araw ng Lunes, Hulyo 21. (Daris Jose)