• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacman, naniniwalang naipanalo niya ang laban kontra Barrios

NANINIWALA si Pambansang Kamao at 8 Division World Boxing Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao na naipanalo niya ang laban kontra kay Mario Barrios sa kabilang ng resulta nito na majority draw.

Sa isang panayam, inihayag ni Pacquiao ang kanyang pinagdaanang ensayo sa loob ng dalawang buwan at ipinakita na kahit papaano ay masaya siyang makabalik sa ring at makalaban si Barrios.

Aniya, alam niya na ang kanyang oras sa pag-eensayo ay maikli kumpara sa kaniyang mga nagdaang laban.

Bagamat maikling panahon lamang ang kanyang ginugol sa training bunsod ng kanyang mga naunang commitments sa mga nagdaang buwan, ay binigyang diin ni Pacquiao na naging masaya siya sa kanyang naging performance sa kanyang laban kontra sa mexican boxer.

Samantala, taos puso namang nagpasalamat ang boksingero sa mga sumuporta sa kaniyang naging laban.

Aniya, binigay niya ang kaniyang lahat ng makakaya para maipanalo ang laban at naniniwala siya na naipanalo niya ito sa iskor na 8 rounds out of 4 rounds.