• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya misleading ang pinakakalat na ‘fake news’: KRIS, never na nagka-cancer dahil autoimmune illnesses ang nilalabanan

WALANG katotohanan ang sinasabi nilang “cancer free” na si Kris Aquino.
Kumbaga isang malaking “fake news” ang ikinalat ng iba na ligtas na sakit na kanser ang tinaguriang Queen of all Media.
May mga naglalabas kasi sa social media ng mga report na magaling na sa sakit niyang cancer ang ina nina Joshua at Bimby.
Ayon pa kay Bossing Dindo Balares at confidante ni Kris a hindi raw tama ang lumalabas na balitang cancer-free na raw ang premyadong TV host at aktres.
Sa latest update nga niya, patuloy daw ang pakikipaglaban ni Kris sa kanyang autoimmune diseases at hindi cancer.
Ayon pa rin kay Boss Dindo ay napansin nilang may “regeneration” daw sa balat ni Kris, na maaaring sign daw ng magandang pagbabago.
Dagdag pa niya na tama lang ang naging desisyon ni Kris na pansamantala munang manirahan sa tabing-dagat kung saan sariwa ang hangin at maganda ang kapaligiran.
Kasabay din ang paglinaw ni Dindo ang impormasyon na kumakalat sa social media tungkol sa cancer daw ni Kris.
“Misleading po ang posts na cancer-free na raw si Kris. Wala po siyang cancer eversince. Hindi po cancer ang ginagamot ng mga doktor kay Kris kundi autoimmune illnesses,” banggit pa ni Dindo.
***
SA kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda ay deretsahang binanggit ni Ryza Cenon na wala raw naman siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang pag-alis noon sa GMA 7 para lumipat sa ABS-CBN.
Kumbaga kahit daw sunod-sunod naman daw ang mga ibinigay na projects sa kanya ng Kapuso Network ay nagdesisyon ang aktres na lumipat sa Dos.
Masasabing isang malaking success ang afternoon series niyang “Ika-6 na Utos” kasama sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion pero after na matapos niyang gawin ito ay lumipat na siya sa Kapamilya Network.
“May mga ganoong feeling po habang ginagawa siya. Ibig sabihin hindi siya ganoon kadali. Mahirap po siyang gawin,” pagbabalik-tanaw pa ni Ryza.
“Sinabi ko naman po na parang gusto kong mag-explore. Gusto kong lumaki pa po, lumawak pa po ‘yung mundo ko. Like, gusto ko pong gumawa ng pelikula. Gusto ko pa pong makakilala, makatrabaho pa po ng ibang artista,” dagdag paliwanag pa ng aktres.
“Pero hindi naman po ako umalis ng GMA na basta umalis na lang. Nagpaalam po ako nang maayos. Umakyat po ko sa itaas. Inisa-isa ko po sila para magpaalam po,” sabi pa rin niya kay Kuya Boy.
Dagdag paliwanag pa rin naman ni Ryza na hindi raw naman ganun kadaling lumipat ng network pero, may mga pangangailangan din naman siya at ang kanyang pamilya.
(JIMI C. ESCALA)