Inflation, personal health mga ‘top urgent concerns’ para sa mga pinoy- Pulse Asia
- Published on July 19, 2025
- by @peoplesbalita
ANG pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang nananatiling ‘top urgent national concern’ ng bansa habang ang manatiling malusog ang ‘pangunahing personal concern’ para sa mas maraming pinoy.
Resulta ito ng pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Ayon sa Pulse Asia’s June 2025 Ulat ng Bayan survey, 66% ng mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa paraan ng paghawak ng administrasyon sa inflation ang pangunahing pambansang alalahanin para sa 62% ng populasyon.
Umaasa naman ang mga filipino na isasama ng Pangulo sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) sa July 28 ang nasabing usapin.
Samantala, may 1,200 adult Filipino ang nagpartisipa sa face-to-face surveys na isinagawa mula June 26 hanggang June 30. Mayroon itong 95% confidence level at ±2.8% margin of error.
Sa pangkalahatan, ang umento sa sahod ang nakakuha naman ng pangalawang alalahanin sa buong bansa na may 51% ng mga Filipino adults ang nagsabi na ito ay ‘urgent national concern.’
Ipinahihiwatig lamang nito ang 17% na pagtaas mula sa last quarter, habang ang alalahanin naman sa inflation ay guminhawa o gumaan ng 8%.
Ang Inflation ay “the rate at which the general level of prices of goods and services increases. Its computation is based on the Consumer Price Index (CPI).”
“Across geographic and socio-economic subgroupings, the only urgent national concern cited by most adults is the need to control the rising prices of basic commodities,” ayon sa Pulse Asia survey.
“Of the remaining issues in the list, only workers pay is identified as urgent by majorities in any of these subgroupings,” ang sinabi pa rin nito.
Samantala, ang iba pang urgent national issues para sa mga Filipino adults aypoverty reduction (26%); job creation (25%); at paglaban sa graft and corruption sa gobyerno (24%). Ang pinaka-least naman sa kanilang concerns ay ang national territorial integrity (5%); kapakanan ng mga OFWs (4%); at terorismo (1%).
Samantala, ang manatiling malusog ay nananatili namang ‘urgent personal concern’ para sa mas maraming adult sa Pilipinas, may 64% ng mga respondents ang tumukoy na ito ang kanilang top issue. Ang pigura, gayunman ay nananatiling mas mababa kaysa sa 71% na naiulat noong 2024.
Mahigit sa kalahati o 53% ng mga respondent ang nagsabi rin na labis silang nag-aalala na makakuha ng well-paying job, habang 45% naman ang nagpahayag ng pag-aalala na magkaroon ng ipon.
Ang least concern para sa mga pinoy ay ang pagkakaroon ng sarili nilang bahay at lupa, mayroon lamang 23% ng mga respondents ang tumukoy dito bilang kanilang ‘most urgent personal concern.’
“Small to big majorities in every geographic area and most socio-economic classes are concerned about staying healthy. Class E is the exception,” ang sinabi sa survey.
“Having a good job or source of income is a majority urgent personal concern in nearly all areas and classes, except in Metro Manila and Class ABC. Most of those belonging to either Class ABC or Class E would like to have some savings of their own. Personal food security is mentioned as an urgent personal concern by bare to small majorities in the Visayas and Class E,”ayon pa rin sa survey.
Sa kabilang dako, mayorya o 66% ng mga Filipino ang dissatisfied o hindi nasisiyahan sa inisyatiba ng administrasyong Marcos para tugunan ang tumataas na inflation.
Makikita sa survey na 48% ng mga respondents ang hindi sang-ayon sa aksyon ng administrasyon na itaas ang sahod; 54% ang bawasan ang kahirapan; 50% sa paglaban sa korapsyon; at 40% sa pagtugon sa problema ng involuntary hunger.
“A different pattern may be observed when it comes to year-on-year movements,” ayo sa survey.
“Levels of disapproval go up for the administration’s efforts to address 12 issues while disapproval eases on the issue of inflation. The change posted on the issue of poverty reduction is marginal in nature. As for indecision figures, these decline in relation to 13 issues, with inflation being the exception,” ayon pa rin sa survey.
Samantala, naka-iskor naman ang gobyerno ng majority approval ratings sa pagtugon sa pangangailangan ng mga calamity-hit areas (63%), protektahan ang mga Overseas Filipino Workers (62%), at tulungan ang mga magsasaka (53%).