• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

kaya hindi mabibitbit ni PBBM sa Washington: FL Liza nasa Riyadh, Saudi Arabia

BINIGYANG katuwiran ng Malakanyang ang hindi pagsama ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa nakatakdang pagbyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Washington, sa Estados Unidos para makapulong si US President Donald Trump.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang Unang Ginang ay nasa kanyang working visit sa Riyadh, Saudi Arabia para makapulong ang mga overseas Filipino workers doon.

“First Lady Maria Louise Araneta-Marcos will travel to Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia on the 17th kahapon to 20thJuly 2025 on a working visit to meet overseas Filipino workers,” ayon kay Castro.

Kabilang naman sa itinerary ng Unang Ginang ang pagbisita sa mga OFW atOWWA Serbisyo Caravan, isang one-stop government outreach na nag-aalok ng government services sa OFWs kabilang na ang legal aid, financial support at welfare counselling sa OFWs at kanilang pamilya.

Bibisitahin din ng Unang Ginang ang shelters o kanlungan paa sa mga ‘distressed Filipino women, mga manggagawa at kabataan.

“The trip originally proposed and scheduled on the first week of July will highlight the steadfast commitment of the Marcos administration to the welfare of OFWs and their families. She will be back on July 21st,” ang sinabi pa rin ni Castro.

“At kung napansin ninyo po, sinabi po, nabanggit din po ni DICT Usec. Dave Almirol na ilo-launch din po ng Unang Ginang itong one-stop shop po dito po sa Kingdom of Saudi Arabia. So, iyon po ang dahilan kung bakit hindi po makakasama ang Unang Gitnang sa US trip po ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,” ayon pa rin kay Castro na malinaw na malabo talagang makasama ang Unang sa US trip ni Pangulong Marcos dahil ang pagbabalik sa Pilipinas ng Unang Ginang ay ang pag-alis naman ng Pangulo patungong Estados Unidos.

Sa kabilang dako, nakatakdang lumipad patungong Washington si Pangulong Marcos sa Hulyo 20 hanggang 22.

Makasasama n Pangulo ang ilan sa kanyang cabinet secretaries gaya nina Secretary of Foreign Affairs Maria Theresa Lazaro, Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr., Secretary of Trade and Investments Christina Roque, National Security Adviser Eduardo Año, Acting PCO Secretary Dave Gomez, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go at Ambassador Jose Manuel Romualdez.

Samantala, sa patuloy na pagsisikap nito na dalhin ang mahalagang government services direkta sa mga tao, kabilang na ang overseas Filipino workers (OFWs), ang unang Middle East leg ng Bagong Bayani ng Mundo: OFW Serbisyo Caravan ng gobyerno ng Pilipinas ay nakarating na sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang Serbisyo Caravan sa Riyadh, pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pakikipag-ugnayan sa Migrant Workers Office in Riyadh at Philippine Embassy sa Kingdom of Saudi Arabia, ay isinagawa sa Makka, Mukaranmah Br. Road on Friday.

“Under the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to bring whole-of-government services closer to OFWs overseas, the Serbisyo Caravan gathers 12 government agencies in order to provide efficient, faster, and essential government services and programs to OFWs in Riyadh,” ang sinabi ng DMW.

Maliban sa DMW at OWWA, ang mga OFWs sa Riyadh ay magagawang madaling maka-access sa mga serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, Public Attorney’s Office, PhilHealth, Social Security System, PAG-IBIG Fund, Land Bank of the Philippines, the Philippine Statistics Authority, Department of Information and Communications Technology, at Philippine Embassy – Kingdom of Saudi Arabia.

Nag-aalok ang one-stop caravan sa mga OFWs ng iba’t ibang serbisyo kabilang na ang free legal consultations, psychosocial counseling, contract verification, OWWA e-card processing, passporting, national ID registration, livelihood at reintegration programs, at business support assistance.

Matapos ang Caravan, magho-host naman ang OWWA ng isang ‘outreach at wellness event’ para sa mga OFWs at kanilang pamilya sa pamamagitan ng “Serbisyong May Saya” sa Greenhall Bowling Center.

Tinitiyak naman ng Serbisyo Caravan na sa ilalim ng Bagong Pilipinas administration, ang mga OFWs ay mabibigyan ng lahat ng available na serbisyo at programa sa maabt ito upang kilalanin ang kanilang sakripisyo bilang ‘modern-day heroes’ ng bansa.

Ang first leg ng Serbisyo Caravan sa Riyadh ay tanda ng una mula sa ilang one-stop caravan na nakatakda sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Silangan sa Hulyo at Agosto , kasunod ng matagumpay na paglulunsad sa Hong Kong nitong Hunyo.