Paghahanda sa SONA pinalalakas ng NCRPO
- Published on July 19, 2025
- by @peoplesbalita
MAS pinalakas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paghahanda, dalawang linggo bago ang ika-apat na State of the National Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsasagawa ng civil disturbance management competition nitong umaga ng Huwebes, Hulyo 17.
Ang pagsasanay habang may hawak na shields ang kapulisan ay sumabak sa iba’t ibang chaotic at peace scenarios para sa pagtugon sa posibleng kaliwa’t kanang protesta, na ginanap sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig.
Ang event ay dinaluhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas D. Torre Ill, upang masiguro na handa na ang mga pulis sa posibleng gulo kabilang ang mga protesta sa SONA.
“In all these scenarios, iisa ang ating iisipin, kung puwede natin ide-escalate ang situation para hindi umabot sa paggamit ng puwersa, sa paggamit ng lakas ay gagawin natin,” ani Torre.
Nasa 12,000 hanggang 13,000 tauhan ng NCRPO ang ipakakalat sa seguridad ng SONA.
Sa ngayon aniya, walang anumang “probable threat” ang kanilang na-monitor.