First episode ng ‘House of D’, naka-1.2M views agad: DINA, inamin na dream ng yumaong asawa na magbalik-talk show
- Published on July 18, 2025
- by @peoplesbalita
FOR the first time, nagbigay na rin ng pahayag si Dina Bonnevie tungkol sa kanyang saloobin, makalipas ang anim na buwan mula nang pumanaw ang mister niyang si Deogracias Victor “DV” Davellano.Lahad ni Dina na may bagong talk show sa Youtube, ang ‘House of D’, “When my husband was alive, si DV, ang dream niya na magkaroon kami ng talk show, na magbalik-talk show host ako.
“Kasi hindi niya masyadong gusto yung nagpupuyat ako sa taping, nasa bahay na siya tapos wala pa ako.
“So sabi niya, ‘Sana nga matuloy na magka-talk show kayo.'”
Nabanggit ni Dina na ang paghu-host niya ngayon ay paraan rin, ayon nga sa kanya, “to pick up the pieces and to start all over again” mula sa pagkawala ng kanyang mister.
Kaya kinumusta na rin naman siya ngayon…
“Ahhh well I can say na more or less medyo… siguro na-exhale ko na lahat ng grief ko, parang for a time I was really, iyak ako ng iyak.
“As in I kept asking God, parang, ‘Bakit?’
“Marami pa naman sanang magagawa yung asawa ko. Because I never considered him as a politician, he was a public servant! And a good public servant at that.
“So parang for a while nagtampo ako kay God na, ‘Bakit Mo siya kinuha andami niya pang magagawa? Bakit siya? ‘Marami namang walang silbi sana iyon ang kinuha Mo. Bakit itong asawa ko?'”
Naglingkod si DV bilang Agriculture Undersecretary for Livestock at sumakabilang buhay noong January 7, 2025.
Pagpapatuloy ni Dina…
“But well, you can never question naman God’s wisdom. “God’s wisdom is supreme and above all. Di ba sabi nga natin God can see our lives from beginning to end, it’s like a parade.
“Di ba? He sees the beginning of the parade, the middle of the parade and the end of the parade.
“So only He knows what his plans are for you, so wala tinanggap ko nag-grieve ako, I gave myself time to grieve and then I said it’s about time I pick up the pieces and do something.
“And iyon na nga yung sinabi ni Shyr, ‘Why don’t you do something that you like?’
“So nandun kami andun si Atty., ‘Why not’, ganyan ganyan, ‘Do a talk show’, ganyan-ganyan.”
Matalik na kaibigan ni Dina ang character actress na si Shyr Valdez at iisa naman ang abogado nila, si Atty. Mark Julius Estur.
“Sabi ko iyon ang dream ko, makabalik sa pagto-talk show kasi that’s close to my heart. Why? Doing a talk show is close to my heart because when I was doing a talk show I would answer all the questions of the viewers myself!
“I would answer their emails myself, I would read yung mga poems na pinapadala nila, yung mga suggestions nila.”
Ang show na tinutukoy ni Dina ay ang Ms. D! na umere sa GMA mula November 1996-February 1999.
Anyway, nagsimula nang umere ang Episode 1 noong July 11 na meron na ngayong 1.2 million views. Napapanood ito tuwing Biyernes, alas singko ng hapon, sa ‘House of D’ official YouTube channel.
Co-host at co-producer ni Dina sa talk-show ang mga anak niyang sina Oyo at Danica Sotto at mga in-laws niyang sina Kristine Hermosa , misis ni Oyo, at Marc Pingris, mister ni Danica.
(ROMMEL L. GONZALES)