• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao hindi ininda ang init ng panahon sa Las Vegas para mag-ensayo

HINDI inalintana ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang init na panahon para makapag-ensayo sa Las Vegas.

Nagsagawa ito ng shadow boxing at ab workout sa Raiders training facility sa Las Vegas.

Sa labas naman ng gym ay bahagyang nag-jogging ito ilang mga outdoor exercise.

IIan lamang ito sa huling workout na isasagawa ni Pacquiao ilang araw bago ang laban kay Mario Barrios na gaganapin sa araw ng Sabado.

Pinangunahan ng beteranong boxing coach Freddie Roach ang nagsasanay kay Pacquiao.

Pinagbigyan naman ng Pinoy boxing icon ang ilang mga fans niya na nag-abang sa labas ng gym para makapagpapicture.

Samantala,  nasa Las Vegas Nevada na ang pamilya Paquiao, ilang araw bago ang nakatakdang laban ng nag-iisang 8-Division world champion sa Hulyo-20.

Kasama ni Manny ang kanyang maybahay na si Jinkee at ang kanilang limang anak. Sa isang post sa kanyang social media account, tinukoy ng Filipino boxing legend ang pamilya bilang pinakamahalaga sa lahat, bagay na kaniya umanong ikinagagalak na makumpleto silang lahat sa Vegas.