• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasanayan sa CPR na nagliligtas-buhay sa mga sitwasyong pang-emergency

oppo_32

oppo_0

oppo_0

SA PAGDIRIWANG ng National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day tuwing (July 17 ) isinagawa kahapon sa Nangka High School, Marikina City ang 2nd National CPR Day at Nationwide Mass CPR Training, na inorganisa ng Philippine Heart Association (PHA) Council sa pakipag-ugnayan sa Marikina City Government.

  Ang layunin ng aktibidad na ito ay magtulungan upang itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng tamang CPR sa mga oras ng pangangailangan.

Tinutukan ng mga eksperto mula sa PHA ang pagpapalaganap ng tamang kaalaman hinggil sa Hands-Only CPR, isang simpleng pamamaraan na maaaring magligtas ng buhay sa mga pagkakataong kinakailangan. Ang pagsasanay ay idinisenyo hindi lamang para sa mga healthcare workers kundi pati na rin sa mga indibidwal na nais maging handa sa mga hindi inaasahang sitwasyon gaya ng mga estudyante, guro, pulis, bumbero, DRMMO field staff, Barangay Health Workers, media people, at mga Barangay Tanod.

Ipinakita sa mga kalahok ang tamang paraan ng pagbibigay ng CPR, kabilang na ang mga mahahalagang hakbang tulad ng tamang compression at pagpapalakas ng epekto nito sa mga indibidwal na nangangailangan ng agarang tulong. Ang mga dumalo sa training ay binigyan din ng mga gabay at rekomendasyon sa kung paano mapapabuti ang emergency response sa kanilang komunidad.

Ang kaganapan ay bahagi ng Philippine Heart Association Council on Cardiopulmonary Resuscitation ng ‘ZapPinas 2025’ First Responder Team, sa CPR Win na Win! (CPR -ready na ba ang Barangay mo?) nationwide CPR awareness campaign.

Ang inisyatiba ay naglalayon na turuan ang publiko at bigyang kapangyarihan ang mga frontliner na may mga kasanayan sa CPR na nagliligtas-buhay sa mga sitwasyong pang-emergency. (MARY ROSE G. ANTAZO)