• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: Plate backlog ubos na PINAHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na wala ng backlog sa produksyon ng license plates kung saan maraming dekada ang natapos bago nagawan ng paraan na maayos ang problema dito.

Ayon sa datos ng LTO, mayroon ng 18, 578,612 na plaka ang nagawa mula ng

pabilisin nila ang produksyon nito sa loob ng nakaraang dalawang taon kung saan

naresolba ang problema ng backlog na nagkapatong-patong  simula ng taong 2014.

Kasama sa bilang ang may 11.8 milyon na plaka ng motorcycles at 6.7 milyon na

plaka para sa mga four-wheeled na sasakyan ang nagawa na.

“We are elated and excited to announce that your LTO was able to comply with the commitment of President Ferdinand Marcos, Jr. that there will be no backlog for both motorcycle and four-wheeled vehicles plates by June 2025,” wika ni LTO acting assistant secretary Greg Pua.

Sinabi ni Pua na nagawa nila ang nasabing hakbang dahil na rin sa dedikasyon, pagpupunyagi, at kooperasyon ng planta sa paggawa ng mga plaka sa LTO.

“And with this task finally completed, we assure our millions of clients that we will

also fast-track the process of delivery and will continue to find ways to do so,” saad ni Pua.

Noong nakaraang December 2024, ang Commission on Audit (COA) ay na audit ang “huge accumulated balance of 9,115,374 pieces of motorcycle plate backlogs for 2023 and prior years.”

Matapos na maupo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ay kanyang inutusan ang LTO na mag release ng mga bagong plaka sa loob lamang ng 72 hours.

Ito ay matapos makita ni Dizon ang mabagal na roll out ng mga plaka na naging isang hamon sa kanya upang gawan niya ng paraan upang maging mabilis ang paggawa at pag release ng mga plaka.

Dahil dito  hinamon   ni   Dizon ang  LTO   na  mag-move  forward   upang   hindi na mangyari ang ganitong problema sa produksyon ng plaka para sa mga motorcycles at four-wheeled na sasakyan. Kayat binigyan niya ng deadline ang LTO na magawa lahat ng

backlog. LASACMAR