Turnover of office sa NPD
- Published on July 16, 2025
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni P/MGen. Anthony Aberin, Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isinagawang turnover of office sa pagitan ng outgoing Acting District Director P/BGen. Arnold Abad at incoming Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio na ginanap sa Northern Police District (NPD) Headquarters na sinaksihan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at mga Chief of Police mula sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni P/MGen Aberin ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng pamumuno at ang hindi natitinag na pangako ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa mga komunidad na nasasakupan ng NPD.
Samantala, sa kanyang valedictory message ay nagpahayag si P/BGen. Abad ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa men and women ng NPD para sa kanilang walang patid na suporta at dedikadong serbisyo sa kanyang panunungkulan.
Habang ipinangako naman ng bagong upong Acting DD ng NPD na si P/BGen. Protacio na itaguyod niya ang pamana ng kahusayan, integridad, at serbisyo ng NPD. Nanawagan din siya ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng hanay sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo ng pulisya sa publiko. (Richard Mesa)