ALICE GUO NG METRO, INARESTO
- Published on July 15, 2025
- by @peoplesbalita
INARESTO ng pinagsamang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Immigration (NBI) ang isang babaeng Chinese na nagpapakilalang Filipino na may pagkakahalintulad sa kaso ng dating Bamban Mayor Alice Guo.
Kinilala ang naaresto nitong July 13 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na si Wang Xiujun, 43, na gumagamit ng alyas na Cassia Palma Poliquit.
Ipinag-utos naman ni BI Commissione Joel Anthony Viado ang pag-monitor sa kanyang mga biyahe at ang pagkakaaresto sa kanya ay matapos na nakatanggap ng tawag ang ahensiya mula sa NBI hinggil sa kaduda-dudang pagkatao ni Wang.
Base sa cross examination sa mga record ni Poliquit, lumalabas na magkaparehas ng fingerprint nila Wang na sinasabing iisang tao lang sila.
Si Wang ay dumating sakay ng Air Asia flight mula Manila galing Kuala Lumpur kung saan agad na inaresto ng mga operatiba ng BI border control and intelligence unit (BCIU).
Si Wang ay maituturing na ‘Alice Guo’ ng Metro, matapos na nakatanggap ng impormasyon ang BI dahil sa pakakasangkot nito sa pagbebenta at pagdi-distrubute ng electric vehicles sa Metro Manila, dahil sa paggamit nito ng pekeng Filipino identity.
Siya ang mayroong Philippine passport at birth certificate na nakuha nito sa late registration sa kabila ng may Chinese national holding nito bilang na investor’s visa.
“The BI and the NBI have been strongly working together, leading to the arrest of key figures in identity theft and illegal use of Philippine documents,” ayon kay Viado.
“We commend our partners in law enforcement, and vow to further work together to rid the country of these undesirables,” ayon pa sa BI Chief. (Gene Adsuara)