Tanggal ang driver’s license ng jeepney driver na sangkot sa aksidente sa Commonwealth
- Published on July 14, 2025
- by @peoplesbalita
TINANGGAL ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang
jeepney driver na sangkot sa malubhang aksidente sa Commonwealth Avenue sa
Quezon City.
“Pursuant to the directive of President Ferdinand Marcos, Jr. to run after
erring motorists as part of road safety measures, the LTO, under the guidance of Department of Transportation (DOTr), revoked the driver’s license of the jeepney driver in fatal road crash along Commonwealth Avenue in Quezon City on April 13 this year,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.
Ang nasabing malubhang aksidente ay nagresulta sa pagkamatay ng
dalawang (2) college na estudyante habang may 16 na pasahero ang malubhang nasugatan.
Ayon kay assistant secretary Vigor Mendoza II, ang nasabing driver ng
pamapasaherong jeepney ay napatunayan na guilty of reckless driving sa ginawang imbestigasyon ng LTO. Siya ay pinatawan ng maximum na penalty na nagkakahalaga ng P2,000.
“I also approved the revocation of the driver’s license of the jeepney driver
for being an improper person to operate a motor vehicle,” saad ni Mendoza.
Sa ginawang imbestigasyon, ang nasabing aksidente ay nangyari dahil ang
passenger jeepney ay binangga ang isa pang sasakyan habang minamaneho ng
mabilis ang sasakyan sa Commonwealth Avenue.
Dahil sa sobrang mabilis, ang nasabing jeepney ay tumaob kung saan
nagresulta ng pagkamatay ng 2 estudyante na papunta sana sa kanilang ROTC.
Ang 2 estudyante ay tumilapon dahil sa lakas ng pagkabanga kung saan sila ay
binawian ng buhay.
Sa desisyon na nilagdaan ni Mendoza, nakalagay at nakasaad na ang
nasabing jeepney driver ay malinaw na lumabag sa batas ng reckless driving hindi lamang dahil sa mabilis na takbo kasama na rin ang pagmamaneho ng wala sa designated na lane para sa public utility vehicles sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Kasama rin sa kanyang paglabag ay ang ang hindi pagbawas ng mabilis na
takbo sa bahaging pababa ng Commonwealth Avenue na nag resulta sa pagbangga ng jeepney driver at dahil dito ay napatunayan na siya ay isang driver na hindi dapat magmaneho ng isang sasakyan.
“Let this serve as a lesson about road safety and discipline. Thus, with this
kind of driving, he lost his source of livelihood,” dagdag ni Mendoza. LASACMAR