Pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Gitnang Kabisayaan!
- Published on July 14, 2025
- by @peoplesbalita
SA PANGUNGUNA ni Secretary Conrado M. Estrella III, mahigit 5,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa Bohol at Cebu ang tumanggap ng mga titulo ng lupa, Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs), at suporta mula sa DAR na ginanap sa Mandaue City, Hulyo 10, 2025.• 809 ARBs nakatanggap ng Certificates of Land Ownership Award at electronic titles para sa 840 ektarya ng lupa.• ₱334.96M na utang ng 5,285 ARB pinatawad dahil sa tinanggap nilang COCROM.• ₱1.8-M farm machineries and equipment (FMEs) para sa mas mataas na ani at mas maayos na kabuhayan.(BOY MORALES SR.)