• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapuri-puri ang ginagawang pag-aalaga ni Bimby: KRIS, nadagdagan na ang timbang at patuloy na lumalaban

TIYAK na maraming natuwa sa latest health update ni Queen of All Media Kris Aquino na kasalukuyang nagpapagaling sa isang private beach house.
Sa pagbabahagi ng online host na si Mama Loi Villarama sa kanyang Instagram post, umabot na raw ang timbang ni Kris ng 106 lbs.
Mapapanood sa video na binubuhat ni Bimby Yap ang kanyang ina mula sa pagbangon at pagbabalik sa kama.
“She is now mabigat! [heart emoji].
“Finally, since she arrived in the Philippines, ms @krisaquino ‘s weight is now 3 digits! She now weighs 106 lbs! Yey! Always cheering for her [smiling face emoji],” caption ni Mama Loi.
Dagdag pa ng online host, “Working ang turon, mangoes, lychees, orange juice, at Ensure na may carabao’s milk with ice cream plus Daim chocolate na pampa-happy niya [smiling face emoji].”
Kapuri-puri nga ang ginagawang pag-aalaga ni Bimby sa kanyang mommy.
“Bimb has been her source of strength and I am in awe of how loving and dedicated he is in taking care of his mom [heart emoji].”
Pagtatapos pa ng post niya, “Prayer warriors let’s keep on praying please [folded hands emoji].
“We love you KCA! Fighting [flexed biceps emoji].”
Mapapakinggan naman sa video na tinatanong si Kris si Bimby kung mabigat na siya, na ikinatuwa naman niya nang sinagot siya na ‘mabigat’.
At nang ibalik si Kris sa kama, nakakaya na niyang maka-crawl.  Kaya hirit ni Mama Loi na puwede na itong lumabas at pumunta sa beach.
Say naman ni Bimby, “Take it easy, one at the time!”.
Sa comment section, pinusuan nga ito ng mga kaibigan at netizens, patuloy nilang ipinagdarasal si Kris at puring-puri talaga nila si Bimby.
***

MTRCB, nakapagribyu ng mahigit 100,000 materyal sa unang kalahating taon ng 2025

AABOT sa 103,652 materyales ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula Enero hanggang Hunyo 2025

Ito’y patunay na patuloy ang pagsisikap ng Board na matiyak ang lahat ng pelikula, programa sa telebisyon, at iba pang katulad na materyales ay naaayon sa pamantayan ng MTRCB.

Sa nasabing bilang, 65,769 ay mula sa telebisyon, 36,263 TV plugs, 834 publicity materials 490 movie trailers, 287 lokal at banyagang pelikula at 9 na publicity materials.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang kahalagahan ng papel ng Board sa paglikha ng ligtas at angkop na panoorin, lalo na para sa mga bata.

“Nananatili ang aming dedikasyon na protektahan ang mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay ng wasto at angkop na klasipikasyon sa lahat ng pelikula at palabas sa telebisyon,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Sa pamamagitan nito, natutulungan natin ang mga magulang na makapamili ng angkop na panoorin para sa kanilang pamilya, partikular sa mga bata.”

Pinuri rin ni Sotto-Antonio ang dedikasyon at sipag ng mga Board Members at kawani ng MTRCB na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad.

(ROHN ROMULO)